Bobby Ray Parks napa-MINE sa kaseksihan ni Zeinab Harake, hirit ng sexy vlogger: Dalawang 'P' ko sa 'yo lang! | Bandera

Bobby Ray Parks napa-MINE sa kaseksihan ni Zeinab Harake, hirit ng sexy vlogger: Dalawang ‘P’ ko sa ‘yo lang!

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

Bobby Ray Parks napa-MINE sa kaseksihan ni Zeinab Harake, hirit ng sexy vlogger: Dalawang ‘P’ ko sa ‘yo lang!

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 09:50 AM

Bobby Ray Parks napa-MINE sa kaseksihan ni Zeinab Harake, hirit ng sexy vlogger: Dalawang 'P' ko sa 'yo lang!

Bobby Ray Parks, Jr. at Zeinab Harare

TAWANG-TAWA pero kinabahan ang mga netizens sa naging pasabog na hirit ni Zeinab Harake sa naging komento ni Bobby Ray Parks, Jr. sa kanyang litrato na kita ang cleavage.

Naloka ang mga social media followers ni Zeinab nang magkulitan at maglambingan sila ng kanyang dyowa sa comments section ng ipinost na litrato ng seksing content creator.

Ibinandera kasi ni Zeinab ang mga photos niya sa Instagram kung saan makikitang nakasuot siya ng off-shoulder na white dress na medyo nasisilip ang kanyang boobs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Awra kung awra si Zeinab sa halamanan na umani naman ng sandamakmak na likes at comments mula sa netizens, kabilang na nga riyan ang boyfriend niyang si Bobby Ray na nagsabing, “Mine!”

Agad na sagot naman ni Zeinab sa kanya, “Dalawang P ko sayo lang.”

Pero bago pa nga lagyan ng malisya ang kanyang sagot kay Bobby, inunahan na niya ang mga netizens — ang dalawang  “P” daw na tinutukoy ni Zeinab ay ang kanyang “puso” at “pasensya.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Narito naman ang mga nakakalokang comments ng mga netizens sa dalawang “P” ni Zeinab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“Nakita namin idol si daddy Ray mo ang may P ang may mahaba pasiinsya hehehe.”

“Bigla ko kinabahan sa dalawang P ah haha kahit anu pa meaning Yan kanyang kanya talaga Yan.”

“Natakot ako sa dalawang P mi.”

“Huyy zebby! Hahahahhahahahahhahaha tawang tawa ako!”

“@ray1parks ingatan nyo na huh. more lablab lang po.”

“@zeinab_harake ganyan ba naman kaganda gf mo di ka ba maloloka!”

“Inaatake ako Ng inis ko pero Nung nabasa ko comment ni Mr. Ray1 parks nawala inis ko.”

“Amaccana sa kagandahan ate zeb, lalong maiinlove sayo nya si Pap.”

“After the the black vibe let’s look at mommy’s white vibe.”

Kung matatandaan, umani rin ng napakaraming reaksyon ang pagreregalo ni Zeinab kay Bobby Ray ng isang luxury-luggage bilang “pampalubag-loob” umano matapos ang kanilang tampuhan.

Janine kinabahan sa message ng delivery rider: Kuya, akala ko kung ano na ang ipagtatapat mo sa ‘kin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Prats sa Ang Probinsyano death prank: Kinabahan kayo ‘no?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending