Janine kinabahan sa message ng delivery rider: Kuya, akala ko kung ano na ang ipagtatapat mo sa 'kin! | Bandera

Janine kinabahan sa message ng delivery rider: Kuya, akala ko kung ano na ang ipagtatapat mo sa ‘kin!

Ervin Santiago - August 16, 2021 - 01:28 PM

Janine Gutierrez, Ramon Christopher, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez

KINABAHAN nang bonggang-bongga ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa message na ipinadala sa kanya ng isang delivery rider.

Aliw na aliw ang fans at social media followers ng dalaga sa ibinahagi niyang kuwento tungkol sa naging palitan nila ng mensahe ng lalaking Grab rider.

Sa kanyang official Twitter account, ipinost ng girlfriend ni Rayver Cruz ang screenshot ng conversation nila ng nasabing delivery rider tungkol sa inorder niyang cake.

Mensahe sa kanya ng food rider, “Mam Janine, tapatin ko na kayo. Yung cake po na to ay sobrang lambot. 

“Kaya hindi ko po talaga sure na 100% na maiingatan… pipilitin ko po. babagalan ko na lang takbo,” hirit ng rider.

Sagot ni Janine, kinabahan daw talaga siya nang mabasa ang unang linya ng mensahe. Akala raw niya ay kung ano na ang ipagtatapat ng delivery rider.

Sey ng aktres sa caption ng kanyang tweet, “Kinabahan ako kuya Grab, kala ko kung ano ipagtatapat mo sakin.”

Sunud-sunod naman ang natanggap na comments at reaksyon ng mga Twitter followers ng dalaga at karamihan sa mga ito ay tuwang-tuwa kay Janine. 

Ilang netizens naman ang nagtanong sa aktres kung ano na ang nangyari sa cake at kung nakarating mga ba ito nang maayos at buo sa kanya.

“Para makatulog kayo, happy to share that the cake made it. at masarap siya, happy yung tatay kong nag-birthday. thank you to our delivery heroes,” ang chika ni Janine.

Samantala, pinusuan naman ng netizens ang birthday greeting ni Janine para sa amang si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez na nagdiwang ng kanyang ika-52 kaarawan nitong weekend.

Nag-post ng throwback photo nilang mag-ama ang aktres sa IG kung saan pinasalamatan niya si Monching bilang “the best papa” sa kanilang magkakapatid.

“Half of my heart. Happy birthday, papa!!! I always post your pogi pics naman so I hope it’s okay to post these.

“I love you @monchinggutz!!!!! life with you is the best ride. you make us so happy, obviously. thank you for being the best Papa,” aniya sa caption.

Si Janine ang panganay na anak nina Monching at Lotlot de Leon. Meron pa siyang tatlong kapatid sa dating mag-asawa, sina Jessica, Diego at Maxine.

Sa IG account naman ni Monching, nagpasalamat din siya sa mga anak sa mismong araw ng kanyang birthday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Turned 52 today. Just want to thank my family and friends who greeted me but most importantly I’d like to thank my kids who love me unconditionally and always have my back. Love you so much,” mensahe ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending