Alma Moreno never nabastos kahit nagpapa-sexy noon: 'May limit yung pagbo-bold ko, kapag nasa labas hindi kita ang cleavage ko...' | Bandera

Alma Moreno never nabastos kahit nagpapa-sexy noon: ‘May limit yung pagbo-bold ko, kapag nasa labas hindi kita ang cleavage ko…’

Ervin Santiago |April 19,2023
facebook
share this

Alma Moreno never nabastos kahit nagpapa-sexy noon: ‘May limit yung pagbo-bold ko, kapag nasa labas hindi kita ang cleavage ko…’

Ervin Santiago - April 19, 2023 - 07:37 AM

Alma Moreno never nabastos kahit nagpapa-sexy noon: 'May limit yung pagbo-bold ko, kapag sa labas hindi kita ang cleavage ko...'

Alma Moreno

NA-HURT ang veteran actress na si Alma Moreno sa mga nagsabi sa kanya na hanggang pagpapaseksi lang ang alam niyang gawin noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Binansagan siyang “Sex Goddess of Philippine Movies” noong dekada ‘70 hanggang dekada ’80 dahil sa sunud-sunod na sexy films na ginawa niya noong kanyang kabataan.

Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk With Tito Boy” nitong nagdaang Lunes, April 1, binalikan niya ang kanyang showbiz career noon, “Matawag ka sa isang title na ganu’n, thank you kumbaga sa akin kasi ang daming gusto rin nu’n (Sex Goddess), ibig sabihin ang laki mo ‘di ba?”

Tinawag din si Alma na “The Youngest Bold Star” at inamin niya kay Tito Boy na nasaktan siya matapos makahon sa sexy image.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“’Yun bang tingin nila na sexy star ka, na bold star ka, hanggang du’n ka lang, nakakahon ka na lang du’n. ‘Di ba kung ‘di ka magse-sexy, diyan ka lang kaya kailangan mong mag-sexy. Ganu’n ang tingin sa akin. Ayun ang pinakamasakit.

Baka Bet Mo: Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Moreno (@iamalmamoreno)


“Sana bago i-judge ‘yun, tingnan muna nila. Sa awa naman Kuya Boy, napatunayan ko at nakita naman nila,” ang pahayag ng aktres na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pag-arte makalipas ang ilang dekada.

Natanong din si Ness (palayaw ni Alma), kung nabastos na ba siya dahil sa kanyang sexy image, “Sa screen ako, nagse-sexy, nagbo-bold ako at may limit ha ‘yung pagbo-bold ko, hindi  ganu’n lang ‘yung ginagawa ko, pero parang kapag sa labas ako, Kuya Boy, makikita mo si Alma Moreno, nakamaong, naka-rubber shoes.

“Hindi ‘yung sexy na kita ‘yung cleavage ko, hindi. Hindi ako ganu’n. Yun ang importante, ipakita mo na ito ka. Hindi ka umaarte, eto ka, ‘yung tunay, kumbaga ito ‘yung Alma Moreno.

“Kaya kahit minsan hindi ako nabastos dahil sa nagse-sexy ako sa screen, hindi,” sabi pa ng nanay nina Mark Anthony Fernandez, Vandolph at Winwyn Marquez.

Alma Moreno ayaw nang magpakasal, wala raw swerte sa love; parehong mahal ang showbiz at politics

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending