EA Guzman matinding challenge ang haharapin sa ‘Karnabal’: ‘May fear of heights ako, kahit sa escalator lang ng mall hindi ko kaya’
MATINDING hamon ang haharapin ng award-winning Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman bilang lead star sa bagong pelikula ni Adolf Alix, Jr., – ang “Karnabal.”
Magkakahalong excitement, kaba at takot ang nararamdaman niya ngayon pa lang dahil talaga namang extra challenge ang lahat ng ipagagawang eksena sa kanya sa pelikula ng BC Entertainment.
Sa kuwento ng Karnabal, gaganap si EA bilang isang lalaki na aakyat sa isang mataas na billboard sa kahabaan ng EDSA kung saan siya magtatangkang tumalon.
Sey ng binata, more than the acting challenge, ang talagang pinaghahandaan niya ay ang pagharap sa kanyang fear of heights dahil sa kabuuan ng pelikula ay nasa taas lang siya ng kinalalagyan ng aakyating billboard.
Kuwento ni EA sa storycon at mediacon ng “Karnabal”, “Sobrang kakaiba ito and hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin yung takot ko. Kasi may fear of heights ako so takot talaga ako.
View this post on Instagram
“Malululain ako at takot ako sa matataas na lugar, kahit sa mall sa escalator lang habang umaakyat nakatingin lang ako sa ground. Hindi ko kaya.
“Kahit sa ferris wheel kapag nakatigil nagwawala ako. So nu’ng nag-USA kami ni direk Adolf at sinabi niya na ito yung materyal, para sa akin it’s about time na gumawa talaga ako ng kakaiba, na masasabing kakaibang gagawin ko,” kuwento ni EA.
Dagdag pa ng Kapuso star, “So buong tapang kong sinasabi kay direk na, ‘Sige direk, I’m going to face my fear.’ Hindi din naman ako bumabata so naghahanap din ako ng kakaibang gusto kong gawin so ito na yung tamang project. Kaya sabi ko tara, gawin natin.”
Patuloy pa niya, “This is very challenging for me and I’m looking forward na ma-experience ko yun. Pero ngayon kailangan ko muna i-ready yung sarili ko and pupunta ako sa matataas na lugar.
Baka Bet Mo: Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo
“Sabi nga ni direk Adolf, du’n sa Cloud 9 sa Antipolo, sanayin ko na yung sarili ko and pumunta ako sa lugar na matataas. So yun yung kailangan ko gawin and I think yun talaga yung dapat kong gawin. I’m excited rin kung ano yung magiging resulta ng pelikula na ito kasi napakagandang materyal,” paglalahad pa ni Edgar Allan.
Sa plano naman ni Direk Adolf na kunan ang pelikula sa loob ng 1 and a half hours nang tuluy-tuloy at walang “cut”, mukhang hindi naman daw masyadong natatakot si EA.
“Preparation prior to shooting and I’ll put my whole heart into this project kasi halo halo eh, takot, nerbiyos, lahat andito na. So yun yung para sa akin, yung importante.
“And sa ganitong klase ng pelikula na one take or isang mahabang shoot, hindi ko pa siya nae-experience although nag-theater na ako which is sa PETA yung Bona.
View this post on Instagram
“Kung ano yung preparation ko rito pagdating sa rehearsal, pag-me-memorize ng script, same lang din yung gagawin ko dito. Pero ito nga kasi is kakaiba. So meron pa akong kakaharapin na talagang takot ko.
“So medyo mahirap at mabigat. Madali sabihin pero ang hirap gawin. Pero kakayanin para dito sa project na ito. Yung nararamdaman ko ngayon, hindi na siya nerbiyos, takot talaga eh. Ha-hahaha! Takot talaga ako.
“Ang mindset ko na lang talaga pagdating sa shoot is gusto ko ito, gusto ko ang ginagawa ko, and napakaganda ng materyal kaya hindi talaga ako nagdalawang isip,” paliwanag ni EA.
Bukod kay Direk Adolf, nagpasalamat din siya sa mga co-stars niya sa movie na sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Joel Cerracho at Ricky Davao.
“Gusto ko mag-thank you kay direk Gina, kay direk Ricky, kay kuya Joel at kay Ms. Jaclyn for accepting this project. Ang sarap kasi sila yung mga kasama ko. It’s my first time to work with direk Gina.
“Si direk Ricky ilang beses na kami nagkatrabaho. And first time ko din makatrabaho si Ms. Jaclyn Jose. So ang sarap lang sa feeling kasi alam naman natin kung gaano sila kahusay.
“Ang gusto ko lang din naman, makatrabaho sila, makatrabaho yung mahuhusay. Kung excited sila, mas excited ako.
“And at the same time, natatakot pero naiisip ko na lang yung mga taong nakapaligid sa akin sa pelikulang ito. So I’m sure na talagang magagawa namin na tuloy tuloy at one take lang na shoot,” sey pa ni EA.
Kasama rin sa movie ang girlfriend ni EA na si Shaira Diaz.
Aiko puring-puri ang anak ni Yorme na si Joaquin: Napakabait na bata
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.