Aiko puring-puri ang anak ni Yorme na si Joaquin: Napakabait na bata | Bandera

Aiko puring-puri ang anak ni Yorme na si Joaquin: Napakabait na bata

Reggee Bonoan - December 13, 2021 - 11:16 PM

Joaquin Domagoso at Aiko Melendez

NANGHIHINAYANG si Aiko Melendez na hindi siya nakadalo sa  special screening at face-to-face mediacon ng horror trilogy film na “Huwag Kang Lalabas” para sa episode na “Bahay” mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Ang nasabing pelikula ay official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival mula sa Obra Cinema.

Kuwento ni Aiko nang maka-chat namin ay binago raw ang original schedule ng event, “Okay na ako nu’ng sa unang schedule Ate, tapos nu’ng natuloy hindi naman na ako na-inform, e, naka-commit na akong dumalo sa Christmas parties sa 10 barangay ng District 5 sa Quezon City.”

Kumakandidato kasing konsehal ng Quezon City sa District 5 ang aktres at mamimigay din siya ng raffle stubs para sa gaganaping online raffle sa mismong kaarawan niya, Dec. 16, at selebrasyon na rin para sa 35th anniversary niya sa showbiz.  

Nagpasalamat din ang aktres sa  ilang kaibigan sa showbiz na nangakong susuportahan siya sa kanyang Christmas party tulad nina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Ogie Diaz.

“Nag-pledge sila ng support sa akin, yung mga kasabayan ko, na kahit hindi sila makababa, they’re willing to do the online thing with me. Nagpapasalamat ako sa kanila, kasi, hindi nila ako pinapabayaan talaga,” saad ng aktres.

At dahil hindi nakadalo si Aiko sa special screening at mediacon ng “Huwag Kang Lalabas” ay umaasa ang lahat na makadadalo at makakasakay siya sa gaganaping fluvial parade ng MMFF 2021 sa Pasig River sa Dis. 19.

Going back to “Huwag Kang Lalabas” ay sa Bulacan ang entire shooting ng “Bahay” episode at lock-in sila ng isang linggo at puring-puri ng aktres ang anak ni presidential aspirant Isko Moreno na si Joaquin Domagoso dahil napakabait daw nitong bata.

Mag-ina sa kuwento sina Aiko at Joaquin. Laging pinagbabawalan ng karakter ng aktres ang anak na huwag lalabas dahil baka may masamang mangyari sa kanya lalo’t hindi pa siya tuli. May mga nawawalang kabataang lalaki kasi sa kanilang lugar na puro hindi pa tuli.

Papuri ng aktres kay Joaquin, “Okay ang shooting namin, kasi masayang kasama si Joaquin. Para akong naging young at heart again.

“Kasi, tinuruan niya akong mag-TikTok on the set, tapos we did a vlog together. So, ang saya, parang ang light lang.

“To think na ‘yung location namin, sa tabi ng ilog and at that time it was drizzling. So medyo pahintu-hinto kami ng shooting, kaya may time na nagkakachikahan kami.

“Masaya kami sa set kahit horror ang ginagawa namin. Tumatawa kami sa set. E kasi, alam ni Direk Adolf na matatakutin ako. Kahit alam kong shooting ‘yun, siyempre pag gabi, ‘yung ilog ang kuwento ng episode namin, may lumalabas sa ilog,” aniya pa.

Okay din daw magdirek si Adolf na unang beses maka-work ng premyadong aktres, “Napaka-cool ni Direk. Sobrang chill lang siya sa set. Kahit inuulan na kami, nandu’n lang siya sa isang tabi, nagkukuwentuhan kami. Masarap siyang katrabaho. I hope I get to work with him again,” sabi ni Aiko.

View this post on Instagram

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Mauulit kaya ang panalo ni Aiko sa MMFF Gabi ng Parangal na gaganapin sa SM Aura sa Dec. 27 katulad noong 2018 MMFF para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” kung saan siya na nanalong best supporting actress?

“Parang ano kasi, sa movie na ito, horror meron na bang nanalong best actress or best supporting sa horror?” balik-tanong naman nito.

Sabay sabing, “Ayokong mag-expect! Ha-hahaha! Natatawa ako!”

Samantala, inamin ni Aiko na sa January na ang airing ng second season ng “Prima Donnas” pero mawawala na siya sa kalagitnaan ng kuwento dahil ito ‘yung hindi na niya tinapos.

“Inayos ng Prima Donnas sa akin, nag-adjust sila. So, thankful ako sa GMA dahil talagang pati story, tailor-made talaga, in-adjust nila, na alam nilang I’m running. So, they cut short yung appearance ko,” pagtatapat ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/294763/hindi-ako-naghihirap-pero-hindi-ko-rin-masasabing-mayamang-mayaman-ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285443/joaquin-domagoso-bukas-ang-isip-at-puso-sa-pagpasok-sa-politika-tulad-ni-isko-pero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending