Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo | Bandera

Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Ervin Santiago |December 19,2022
facebook
share this

Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 04:32 PM

Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Iza Calzado at Ben Wintle

HANDANG-HANDA na ang Kapamilya actress na si Iza Calzado sa mga challenges na kanyang haharapin kapag isinilang na ang panganay nila ng asawang si Ben Wintle.

Aminado si Iza na may nararamdaman siyang takot sa bagong yugto ng kanyang buhay at sa mga responsibilidad na haharapin niya bilang nanay, pero  naniniwala siya na kakayanin niya ang lahat ng ito.

“What a huge responsibility and I’ve always been scared of it. Natatakot ako roon sa responsibilidad. Pero feeling ko kailangan talaga maniwala ka sa sarili mo na kaya mo.

“Kasi i-e-equip ka naman ni God, ikaw at ‘yung nasa paligid mo. So ‘yun na lang talaga ang pinanghawakan ko,” ang pahayag ni Iza sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Pagpapatuloy pa niya, “Thankfully wala masyadong physical adjustment. ‘Yung energy ko is almost the same, I managed to workout every week, every month.

View this post on Instagram

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


“Pero kapag napapagod ako ngayon sasabihin ko, teka, walang masamang magpahinga. ‘Yun ang mga adjustments at saka hindi na rin na bago nai-share ko na na ‘yung weight ko was my parang battle.

“Pero ito sabi ko nga weight gain is a sign of healthy baby. I always remind myself so parang kasama siya roon at ini-embrace ko rin ‘yung changes. ‘Yung belly lumalaki. Kailan pa nga ba? Ang katawan mababawi mo. Hindi ‘yan ang dapat mag-define sa atin bilang tao,” sey pa ng aktres.

Bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagiging mommy, nagbabasa ng raw siya ng mga libro tungkol sa pag-aalaga ng baby.

Samantala, inalala rin ni Iza ang reaksiyon nila ni Ben nang malamang magiging parents na rin sila.

“Siyempre nagulat ako. Kahit siya, parang ‘huh? What?’ Tapos pareho kaming nakatulala ng ganoon. Tapos mamaya tatawa kami parang, totoo ba ito?” pagbabahagi ni Iza.

Naging emosyonal naman ang aktres nang mapanood ang video message ng kanyang mister na si Ben Wintle at ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz.

Mensahe ng aktres sa kanyang hubby, “The biggest blessing is the baby. Pero God has also revealed through this pregnancy just how amazing my husband is.

“It’s not a perfect message, ours it’s not. And this baby has revealed the true charcter and strength of my husband.

“Sobrang grateful ko lang talaga sa pagmamahal niya sa akin at sa baby namin yun lang,” aniya.

Ito naman ang mensahe niya para sa magiging anak, “You are changing my life already for the better in ways na hindi ko talaga inasahan.

“So thank you kasi kasama nun mas minamahal ko ang sarili ko ngayon, kasi kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil kailangan maging at my best ‘pag dumating ka. Thank you, anak,” ani Iza.

Bianca King magiging mommy na rin: I mentally gave up but surprise! A natural miracle happened!

Iza Calzado may pa-sex reveal sa magiging baby: ‘Pretty soon I will have my own child…a little Mary Ann, a little Iza’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyline Alcantara inalala ang magkasunod na pagpanaw ng lolo’t lola: Napakahirap, napakasakit…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending