Ivana Alawi sinupalpal ang 'anlaki ng bulaklak mo' comment ng isang netizen | Bandera

Ivana Alawi sinupalpal ang ‘anlaki ng bulaklak mo’ comment ng isang netizen

Therese Arceo |August 11,2023
facebook
share this

Ivana Alawi sinupalpal ang ‘anlaki ng bulaklak mo’ comment ng isang netizen

Therese Arceo - August 11, 2023 - 11:39 AM

Ivana Alawi sinupalpal ang 'anlaki ng bulaklak mo' comment ng isang netizen

HINDI pinalagpas ng Kapamilya actress at vlogger na si Ivana Alawi ang komento ng isang netizen sa kanyang larawan.

Ibinahagi kasi ng dalaga ang kanyang larawan na kuha sa 10,000 Roses Cafe & More na kanyang dinayo kasama ang pamilya nang magpunta sila sa Cebu.

“10,000 Roses,” saad ni Ivana sa caption.

Makikita sa larawan na nakatayo si Ivana at napalilibutan ng mga LED-powered white roses.

Hindi naman na kataka-taka na umani ng napakaraming komento mula sa netizens ang mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isang netizen ang nagbiro at nag-iwan ng komento sa post ni Ivana at sinabing “anlaki ng bulaklak mo.”

Kwela naman ang naging sagot ng aktres sa komento ng netizen.

“lagot ka sa jowa mo,” sey ni Ivana.

Samantala, may isang netizen naman ang pumuna at nagtanong kung paano siya nakapagpakuha ng larawan sa mga bulaklak dahil ipinagbabawal ito.

“Bawal d’yan sa loob dba? Buti pinayagan ka,” sabi ng netizen sa post ni Ivana.

Reply naman ng dalaga, “Yes pinayagan po nila ako. The owner was very kind and para din mapromote ang magagandang lugar sa Pilipinas tulad nyan.”

May mga iba mamant nagkomento ukol sa pagkakaroon ng special treatment ni Ivana dahil sikat itong artista.

“Hehehe oo nga bawal do’n, sa gilid lang din kami nag-pic hehehe pero gladly, pinayagan s’ya hehe,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Papayagan talaga ma’am dahil sikat po si idol Ivana, at mai-promote din po n’ya business is business.”

Related Chika:
True ba, Ivana Alawi, Heaven Peralejo ayaw makasama noon ang isa’t isa sa dressing room?

Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending