True ba, Ivana Alawi, Heaven Peralejo ayaw makasama noon ang isa’t isa sa dressing room?
“ACTUALLY, patay na ang isyu, wala nang naglabas, di ba? E, binuhay ulit ni Ivana Alawi, so anong gusto niyang mangyari? Ginamit niya ang isyu para may masabi siya sa presscon niya?”
Ito ang nagtatakang sabi ng aming source na taga-ABS-CBN matapos ang rebelasyon ng sexy actress at vlogger tungkol sa mga artistang nang-away sa kanya.
Ang isyu, nabanggit daw ni Ivana sa nakaraan niyang mediacon para sa contract signing niya sa ABS-CBN na may mga umaway sa kanyang personalidad pero hindi niya pinatulan.
View this post on Instagram
To quote Ivana, “Merong umaway sa akin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan. Meron din sa recent show namin.
“Pero alam mo yun, I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin paplastikin,” aniya.
Ang recent show na binanggit ni Ivana ay ang “A Family Affair” kasama sina Sam MIlby, Jake Ejercito, Jameson Blake at Gerald Anderson na ipinalabas noong Hunyo, 2022.
Baka Bet Mo: John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’
Kuwento ng aming source ay tungkol ito sa dressing room na ayaw umanong makasama ni Ivana si Heaven Peralejo.
“Ayaw ni Ivana na may kasama sa dressing room. Kaya naloka ang mga staff ng show kasi anong reason?
“Kasi ang magkakasama sa dressing room, mga actors, tapos ‘yung may mga edad ng stars, sila-sila, tapos si Ivana at Heaven since hindi naman nagkakalayo ang edad nila (26 at 23), so, sila ang pinagsama sa room.
View this post on Instagram
“E, ayaw ni Ivana kesyo ganito at ganyan, maraming dahilan. Kaya hinanapan ng ibang room si Heaven.
“Hindi nga namin alam kung ayaw nila ang isa’t isa kasi si Heaven din ayaw ring makasama si Ivana sa room, so, it’s a tie. Ha-hahahaha! Nakakaloka!” kuwento sa amin.
Natapos ang serye at walang naglabas ng kuwentong ito, “Hindi na nga ito inilabas para walang isyu, work-work lang lahat since pandemic.
“Need natin ng work lahat. Naiwasan naman ‘yung isyu ng dalawa, pero bakit inungkat pa?” katwiran ng aming source.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Ivana o ng kampo niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.