Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: 'Legit Dabarkads naman kasi talaga siya' | Bandera

Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: ‘Legit Dabarkads naman kasi talaga siya’

Ervin Santiago |June 21,2023
facebook
share this

Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: ‘Legit Dabarkads naman kasi talaga siya’

Ervin Santiago - June 21, 2023 - 11:18 AM

Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: 'Legit Dabarkads naman kasi talaga siya'

Alden Richards at Maine Mendoza

NAGPAKATOTOO ang actress-TV host na si Maine Mendoza nang matanong tungkol sa dati niyang ka-loveteam na si Alden Richards sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersya ng original at bagong “Eat Bulaga“.

Ayon sa fiancée ni Congressman Arjo Atayde, kung mabibigyan ng pagkakataon gusto pa rin nilang makasama si Alden sa bagong programa nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng mga legit Dabarkads sa TV5.

Sa naganap na mediacon ng TVJ kahapon sa TV5 Media Center, nakachikahan ng Bandera at ng ilan pang members ng press at natanong nga siya kung posible bang maging bahagi pa rin si Alden ng noontime program nila sa Kapatid Network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads.

“Hopefully, hindi ko pa rin alam din e, pero hopefully makasama namin siya dito sa show namin sa TV5,” pahayag ni Maine.

Inamin din niya na tuloy pa rin ang communication nila ni Alden, “Oo naman. Kaming mga Dabarkads namin constant pa rin ‘yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, ‘yung updates ganoon pa rin.”

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year

Samantala, proud na sinabi ni Maine na talagang nanindigan siya para sa TVJ at mas piniling sumama sa pagre-resign nila sa TAPE Incorporated.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi for me no amount of money can buy for my established values, self-respect and loyalty.

“So sa pagtanggap namin, sa akin, eight years ago, noong sumama ako sa ‘Eat Bulaga’ ang maibabalik ko lang sa kanila ay ‘yung loyalty ko, ‘yung pasasalamat ko, and ‘yung tulad ng paglaban nila sa amin, ilalaban din namin sila kahit saan,” paliwanag pa niya.

Aniya pa, “Actually naka-leave na talaga ko for the wedding planning so naka-alot na ‘yung June and July ko for wedding planning pero ayon siyempre hindi ko naman pwedeng iwan sila sa mga ganto. Tulad nga ng sabi ko, kung anong laban nila, laban din namin.”

Manny Pangilinan sa pagpasok ng TVJ at sa pamamaalam ng Showtime sa TV5: ‘Purely business decision at hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending