Pekto Nacua may ‘horror’ encounter sa isang nakasamang artista: ‘Siya na magdadala nu’n, bahala na siya’
“PAKIKISAMA.” Yan daw ang isa sa mga dapat matutunan ng mga kabataan at baguhang artista kung gusto nilang tumagal sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Maraming ibinahagi sa publiko ang magkaibigang komedyante na sina Mike “Pekto” Nacua at John Feir tungkol sa mga hindi nila makakalimutang karanasan sa ilang taong pananatili sa showbiz.
Kuwento ni John sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, bago siya maging artista at nakilala bilang isang komedyante ay naging bahagi muna siya ng produksyon sa telebisyon.
View this post on Instagram
Taong 1991 daw siya nagsimulang magtrabaho sa GMA at sa loob ng mahigit tatlong dekada ay nakabisado na niya ang ugali at personalidad ng mga tao sa showbiz industry.
“Ako Tito Boy, nag-start ako sa GMA 1991. Hanggang ngayon nandito pa rin ako. Siguro sa tagal kong ‘yon nakita ko ‘yung lahat ng ugali ng tao rito,” pahayag ng “Pepito Manaloto” star.
Para sa kanya, ang isa sa pinakaimportanteng ugali na kailangang isaisip at isapuso ng lahat ng artista para magtagal sa showbiz ay ang pakikisama.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose sa pagpanaw ni Cherie Gil: Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya
“’Yung pakikisama talaga ang pinakamahalaga sa lahat para tumagal ka sa industriya,” sey ni John.
Sinang-ayunan naman ito ni Pekto sabay sabing, “At saka respeto. Kasi ‘yun ang pinaka-the best sa lahat na may bago kang makakasamang artista.
“Baguhan man o datihan, kailangan mong humingi ng respeto doon or lapitan mo magpakilala ka. ‘Ako po si ganito, para acknowledge ka na na, ‘A, mabait na tao ito,’” aniya pa.
View this post on Instagram
Sumunod na tanong ni Tito Boy sa dalawang Kapuso comedian, “Sa mga baguhan ngayon, wala naman kayong karanasan na binastos o hindi nirespeto?”
“A, hindi ko lang alam. Pero so far wala naman akong na-experience,” ang sagot ni John sanay tawa.
Hirit pa ni John kay Pekto, “Ewan ko lang dito baka tinitira ako nito.”
Sagot ni Pekto, “Meron akong na-encounter dati pero hindi naman ganu’n kasama, Tito Boy. Pero okay naman siguro meron lang siyang pinagdaraanan noong mga araw na ‘yun.”
“Marami po ako nakasamang artista. Pero lahat naman sila ay mabait, pero meron isang hindi. Pero, siya na magdadala nu’n. Bahala na siya,” dugtong pa ng beteranong komedyante.
Elisse, McCoy nagsasagutan sa socmed, magkaaway nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.