Lovi humugot sa K-Drama para sa bagong project; serye nina Nora at Kyline ibabalik na ng GMA | Bandera

Lovi humugot sa K-Drama para sa bagong project; serye nina Nora at Kyline ibabalik na ng GMA

Ervin Santiago |November 20,2020
facebook
share this

Lovi humugot sa K-Drama para sa bagong project; serye nina Nora at Kyline ibabalik na ng GMA

Ervin Santiago - November 20, 2020 - 09:19 AM

SIGURADONG inaabangan na ng loyal viewers ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” sa pagbabalik-telebisyon ng serye ngayong Disyembre sa GMA Afternoon Prime.

Matutunghayan nang muli ang madamdamin at nakakaantig sa pusong kwento ng mag-iinang inapi at maghihiganti sa angkang nagdulot sa kanila ng hirap at pighati.

Noong nakaraang buwan ay sumabak sa 23-day lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang cast ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” na pinangungunahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Nora Aunor.
Kasama rin nila sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta, Candy Pangilinan at Divina Valencia.

Pagbabahagi ni Kyline, hindi raw dapat palampasin ang mabibigat na eksena sa fresh episodes ng afternoon series.

“Every week, iba’t iba ‘yung pasabog ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ at mabibigat. ‘Yun ‘yung isa sa mga challenge na hinarap namin,” aniya.

Tutukan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” ngayong darating na holiday season sa GMA.

* * *

This is it! Balik-taping na rin sina Lovi Poe at Benjamin Alves para sa pagbibidahan nilang upcoming Kapuso romantic-comedy series na “Owe My Love.”

Masayang ibinahagi ng lead stars sa kanilang social media accounts ang unang araw nila sa isang buwang lock-in taping para sa much-awaited GMA Public Affairs rom-com series.

Gagampanan nila ang makukulay na karakter nina Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin) na magkukrus ang mga landas dahil sa pag-ibig at pera.

Siniguro nina Lovi at Benjamin na handang-handa na silang gampanan ang kani-kanilang mga karakter bago magsimula ang kanilang lock-in taping.

Alam n’yo ba na kinarir ni Lovi ang panonood ng mga Korean drama para magsilbing inspirasyon sa gagampanan niyang financially problematic role na si Sensen Guipit.

“I’ve been prepared now. I think that’s one thing na parang without even knowing na mayroon kaming natututunan althoughout,” ani Lovi.

Tumodo naman si Benjamin sa pagpapaganda ng katawan para sa kanyang role bilang hot doctor na si Migs Alcancia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, maliban kina Lovi at Benjamin, dumating na rin sa location ang ilan pang miyembro ng cast.

Mapapanood din sa “Owe My Love” sina Ai Ai delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose at Mahal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending