Gabby, Sanya inaatake na ng matinding 'sepanx' sa pagtatapos ng 'First Lady', Kapuso viewers nagre-request ng book 3 | Bandera

Gabby, Sanya inaatake na ng matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘First Lady’, Kapuso viewers nagre-request ng book 3

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Gabby, Sanya inaatake na ng matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘First Lady’, Kapuso viewers nagre-request ng book 3

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 07:44 AM

Gabby Concepcion, Sanya Lopez, Alice Dixson, Francine Prieto, Isabel Rivas, Maxine Medina at Samantha Lopez

“SEPANX” o separation anxiety ang kalaban ngayon ng cast members ng Kapuso primetime series na “First Lady” na magtatapos na ngayong darating na Biyernes, July 1.

Aminado ang mga bida at kontrabida ng serye na talagang inaatake sila ng kalungkutan ngayong nalalapit na ang ending ng top-rating program ng GMA 7.

Ayon kina Gabby at Sanya na gumaganap sa maituturing nang iconic character na sina President Glenn Acosta at First Lady Melody Acosta, babaunin nila forever ang lahat ng magagandang alaala nila habang ginagawa ang hit primetime series.

Inamin ni Gabby na mami-miss niya ang mga katrabaho niya sa “First Lady” lalo na ang mga kulitan, kainan, kantahan at bonding moments nila sa lock-in taping.

“Marami kaming fun memories together from day one until the last day of taping. Mami-miss ko ‘yong camaraderie, brotherhood and family bonding. We’ve developed true friendship talaga,” kuwento ni Gabby.

Para naman kay Sanya,  “Nakakalungkot siyempre. Mami-miss ko ‘yong tawanan at kulitan namin sa set.

“Nandiyan na ‘yong samahan at pagmamahal namin sa isa’t isa bilang pamilya. Pero excited kami sa mga bagong opportunity na darating sa mga buhay namin,” aniya pa.

At in fairness ha, kahit ang mga avid viewers at netizens ay nakakaramdam na rin ng sepanx pero umaasa raw sila na magkakaroon pa ng book 3 ang serye.

“Nakakalungkot isipin na magtatapos na kayo. Hoping na magkaroon ng book 3 dahil sobrang ganda at inspiring ng palabas na ito. Mahal ko kayo, First Lady family!” ayon sa isang fanatic ng “First Lady.”

“Maraming salamat sa pagpapasaya sa amin. Mahal na mahal namin kayo, hindi lang kayo basta teleserye sa amin. Dahil sa inyo, laging masaya ang tahanan namin,” mensahe naman ng isa pang Kapuso viewer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cai Cortez (@caicortez)


Siguradong tulad nina Sanya at Gabby, inaatake na rin ng lungkot at sepanx ang iba pang members ng cast tulad nina Pancho Magno, Ms. Pilar Pilapil, Boboy Garovillo, Maxine Medina, Thou Reyes, Ms. Sandy Andolong, Rocco Nacino, Cassy Legaspi, JD Domagoso, Clarence Delgado, Patricia Coma at Isabel Rivas.

Siyempre nandiyan din sina Francine Prieto, Samantha Lopez, Shyr Valdez, John Feir, Divine, Kakai Bautista, Analyn Barro, Glenda Garcia, Cai Cortez, Thia Thomalla, Anjo Damiles, Jon Lucas, Jerick Dolormente, Muriel Lomadilla, Kiel Rodriguez,  Atak, Cecil Paz, at Ms. Alice Dixson.

Kaya huwag na huwag ng bibitiw sa finale week ng “First Lady” sa GMA Telebabad, mula sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, pwedeng-pwede namang magkaroon ng book 3 ang “First Lady” and for all you know, ngayon pa lang ay pinaplano na pala ito ng GMA 7. Ano kayang magiging title nito kung sakali? Hmmmm, pwede kayang “First Family”?

‘First Lady’ nina Gabby at Sanya hindi lang basta pa-cute, pakilig: It’s no joke to be the president’s wife

Kris Bernal inaatake ng ‘sepanx’ matapos sumabak sa ‘nakakalokang’ lock-in taping

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending