Jaclyn Jose sa pagpanaw ni Cherie Gil: Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya | Bandera

Jaclyn Jose sa pagpanaw ni Cherie Gil: Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 09:24 AM

Jaclyn Jose at Cherie Gil

PERSONAL na dinamayan ng award-winning actress na si Jaclyn Jose si Andi Eigenmann sa pagluluksa nito nang pumanaw si Cherie Gil.

Nagdadalamhati rin ngayon si Jaclyn at ang kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kapwa niya aktres na tiyahin nga ni Andi. Magkapatid ang tatay ni Andi na si Mark Gil at si Cherie.

Ayon kay Jaclyn, naging bahagi na rin ng buhay niya si Cherie na nakatrabaho rin niya noon sa Kapuso primetime series na “Alyas Robin Hood” noong 2016 na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press ang premyadong veteran actress sa finale presscon ng seryeng “Bolera” ng GMA 7 at dito nga siya nagkuwento tungkol kay Cherie.

“We are all very sad about it. And hindi lang din naman ako, ang buong industriya ay nagluksa kasi isang batikang aktres ang nawala tapos malapit pa sa akin,” pahayag ni Jaclyn.

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Aniya pa, “Siyempre ang una mong aalagaan diyan ay ang anak kong si Andi. Pinuntahan ko siyempre agad. Pumunta sila ng Manila and now they’re in France. But when they were here I went to them and hugged her.

“So Gabby (Eigenmann) and some members of the family, I said my condolences. We are all feeling bad about what happened to her, too soon. Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya,” lahad pa ng aktres na gumaganap na nanay ni Kylie Padilla sa “Bolera” na magtatapos na bukas, August 26.

Naging maayos at maganda naman daw ang relasyon nila ni Cherie noong nabubuhay pa ito, “We worked together. Okay kami kapag nagkikita.

“She’s been part of my life too. She’s the tita of my daughter. Sa akin, okay naman kami. Wala kaming bad vibes to each other. Hindi kami nagkaroon ng clash in short,” pahayag pa ni Jaclyn.

Pumanaw si Cherie Gil sa edad na 59 dahil sa endometrial cancer noong August 5.

https://bandera.inquirer.net/322299/sharon-patuloy-na-nagluluksa-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil-wherever-i-go-you-are-with-me-no-dorina-without-lavina
https://bandera.inquirer.net/320824/cherie-gil-na-diagnose-ng-rare-form-of-endometrial-cancer-she-fought-bravely-against-her-illness-with-grace-and-strength

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285913/hindi-birong-masaktan-dahil-sa-taong-minahal-natin-yung-naniwala-kang-may-forever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending