Canadian Prime Minister Justin Trudeau, misis na si Sophie naghiwalay na after 18 years | Bandera

Canadian Prime Minister Justin Trudeau, misis na si Sophie naghiwalay na after 18 years

Pauline del Rosario - August 04, 2023 - 04:47 PM

Canadian Prime Minister Justin Trudeau, misis na si Sophie naghiwalay na after 18 years

PHOTO: Instagram/@justinpjtrudeau

TULUYAN nang naghiwalay sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang kanyang misis na si Sophie Gregoire matapos ang 18 years na kasal.

Inanunsyo ‘yan mismo ng mag-asawa sa isang pahayag na ibinandera sa Instagram.

Base sa dalawa, ito ay napagdesisyunan nila matapos ang ilang beses ng malalimang pag-uusap tungkol dito.

Sinabi rin ng tanggapan ng prime minister na pareho nang pumirma ng legal separation agreement ang mag-asawa.

Gayunpaman, tiniyak ng dalawa na pagtutuunan pa rin nila ang pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Baka Bet Mo: Dating Japanese PM Shinzo Abe, pumanaw na matapos barilin

“They remain a close family, and Sophie and the prime minister are focused on raising their kids in a safe, loving and collaborative environment,” sey sa pahayag mula sa opisina ni Trudeau.

Dagdag pa, “The family will be together on vacation, beginning next week.”

Kasabay niyan ay humiling ang mag-asawa sa publiko na respetuhin ang kanilang pribadong buhay.

Alam niyo ba na bata pa lang sina Justin at Sophie ay magkakilala na sila at muli silang nagkaroon ng connection sa isa’t-isa nang magkita sila sa isang charity gala nong 2003.

Taong 2005 nang ikinasal sila at biniyayaan ng tatlong anak na sina Xavier, Ella-Grace at Hadrien.

Taong 2015 naman nang nanumpa bilang prime minister ng Canada si Justin, habang si Sophie ay kilala bilang dating model at TV host.

Nitong mga nakaraang taon lamang ay kapansin-pansin nang hindi na sumasama si Sophie kay Justin sa mga official trips nito.

Huling nakita na magkasama ang dalawa sa Ottawa noong Hulyo nang ipinagdiriwang ang Canada Day.

Si Justin ang pangalawang punong ministro na nag-anunsyo ng paghihiwalay habang nasa pwesto.

Nauna sa kanya ang kanyang ama na dating prime minister ng naturang bansa na si Pierre Trudeau.

Hiniwalayan ni Pierre ang kanyang asawa na si Margaret noong 1979 sa huling taon ng kanyang pagkakaluklok bilang prime minister.

Read more:

OFWs sa Canada biktima rin ng diskriminasyon, sey ni Direk Benedict Mique: ‘Pero hindi Canadians ang problema, ibang mga lahi’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Justin Bieber tinamaan ng COVID-19, concert sa Las Vegas hindi natuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending