Dating Japanese PM Shinzo Abe, pumanaw na matapos barilin
PUMANAW na si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos na ito ay barilin habang nangangampanya para sa eleksyong parlyamentaryo sa Nara City sa Japan ngayong Biyernes, ayon sa public broadcaster na NHK.
Malubhang nasugatan si Abe, 67, matapos na siya ay barilin mula sa likuran gamit ang homemade gun sa Nara City kaninang 11:30 ng umaga (1o ng umaga sa Pilipinas), ayon sa ulat ng Japanese media. Dalawang putok ang narinig ng mga nakasaksi sa insidente.
View this post on Instagram
Nasa estado ng cardiac arrest si Abe nang ito ay ilipad patungong ospital, ayon sa mga emergency responders.
Inaresto ng pulisya si Tetsuya Yamagami, 41, taga Nara City, sa suspetsang siya ang bumaril kay Abe. Nakuha sa kanyang ang isang baril, ayon sa isang opisyal ng pulis.
“Wala akong galit kay dating Prime Minister Abe dahil sa kanyang pampulitikang paniniwala,” sabi pa ni Yamagami sa pulisya.
Si Yamagami, na di pa batid ang kasalukuyang trabaho, ay myembro ng Maritime Self-Defense Force hanggang taong 2005.
Si Abe ay dumating sa lugar na pinagdarausan ng kampanya para sa halalan ng upper house dakong 11:20 ng umaga. Nakatakda siyang magtalumpati para suportahan ang kandidato ng iberal Democratic Party na dati niyang pinumunuan.
Kaagad matapos na hawakan niya ang mikropono para ipakilala ang kandidato, nilapitan siya sa gawing likod ni Yamagami, hawak ang bagay na mukhang baril. Malakas na mga putok ang sumunod na narinig at kasunod nito ay humandusay na si Abe, ayon sa mga nakasaksi.
Dumating ang ambulansya matapos ang 15 minute at si Abe ay dinala sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.
Dalawang termino na nagsilbi si Abe bilang prime minister. Bumaba siya sa puwesto noong 2020 dahil sa umano’y problema sa kalusugan.
Mula sa ulat ng The Japan News/Asia News Network
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.