Banat ni Joey sa comment ni Kabayan Noli tungkol sa kasal nina Maine at Arjo: 'Sa mga umeepal...naunang nagplano sina Menggay kesa kay Egay!' | Bandera

Banat ni Joey sa comment ni Kabayan Noli tungkol sa kasal nina Maine at Arjo: ‘Sa mga umeepal…naunang nagplano sina Menggay kesa kay Egay!’

Ervin Santiago |August 01,2023
facebook
share this

Banat ni Joey sa comment ni Kabayan Noli tungkol sa kasal nina Maine at Arjo: ‘Sa mga umeepal…naunang nagplano sina Menggay kesa kay Egay!’

Ervin Santiago - August 01, 2023 - 12:15 AM

Banat ni Joey sa comment ni Kabayan Noli tungkol sa kasal nina Maine at Arjo: 'Sa mga umeepal...naunang nagplano sina Menggay kesa kay Egay!'

Noli de Castro, Arjo Atayde, Maine Mendoza at Joey de Leon

SINUPALPAL ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang Kapamilya broadcaster at news anchor na si Noli de Castro.

Walang binanggit na pangalan ang tinaguriang Henyo Master sa kanyang social media post pero naniniwala ang mga netizens na para kay Kabayan Noli talaga ang mga patutsada niya.

Si Kabayan lang naman kasi ang nagkomento ng hindi maganda sa nangyaring kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na ginanap sa Baguio City last Friday, July 28.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nag-viral at trending pa sa socmed ang naging hirit ng beteranong news anchor sa  closing spiels niya sa “TV Patrol” noong July 28 hinggil sa pagpapakasal nina Maine at Arjo habang nananalasa ang bagyong Egay sa Baguio City.

“Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo,” ang comment ni Noli.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Kabayan nang dahil dito. Napakabastos at wala raw sa lugar ang naging pahayag ng broadcaster kaya sana raw ay mag-sorry ito kina Arjo at Maine at sa publiko.

Baka Bet Mo: True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Isa sa mga matatapang na celebrity na umalma sa banat ni Noli de Castro sa bagong kasal ay ang isa sa mga tumayong ninong sa wedding ng ArMaine na si Joey de Leon.

Nag-post ang TV host-comedian sa social media platform na X, ang tawag ngayon sa dating Twitter, tungkol sa mga “umeepal” na nagsabing hindi raw dapat nagpakasal sina Maine at Arjo sa kasagsagan ng bagyong Egay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mababasa sa X post ni Joey kalakip ang wedding photo ng ArMaine ang mga katagang, “Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!

“Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng ‘kasalanan’—KASAL!” ang hirit pa ni Joey.

Bukod dito, nagsalita rin ang movie icon sa programa nilang “E.A.T.” sa TV5 habang nagbibigay ng congratulatory message sina Vic Sotto at Tito Sotto Maine at Arjo.

“Mayroong mas malala kay Egay, yung epal, kaya mag-ingat kayo,” ang tila pagbabanta pa ni Joey.

Wala pang reaksyon ang bagong kasal tungkol sa pagpuna sa kanila ni Kabayan Noli.

Netizens ‘umalma’ kay Noli De Castro: ‘What’s wrong with you? Ano ang kinalaman nila Maine at Arjo sa bagyo?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noli de Castro babalik na sa ‘TV Patrol’; Martin Nievera, KZ Tandingan bagong coach sa ‘The Voice Kids’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending