Joey de Leon bumanat uli: 'Nadagdagan na naman ang mga network...Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!' | Bandera

Joey de Leon bumanat uli: ‘Nadagdagan na naman ang mga network…Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!’

Ervin Santiago |July 30,2023
facebook
share this

Joey de Leon bumanat uli: ‘Nadagdagan na naman ang mga network…Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!’

Ervin Santiago - July 30, 2023 - 02:04 PM

MAY bagong patutsada na naman ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon na pinaniniwalaang para sa “Eat Bulaga” ng GMA 7, produced by TAPE, Incorporated.

Sabay na nag-celebrate ang “Eat Bulaga” nina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar at Betong Sumaya sa Kapuso Network at ang “E.A.T.” nina Tito, Vic & Joey at ng mga legit Dabarkads sa TV5, kahapon ng kanilang 44th anniversary. 

Tinawag ng TVJ ang selebrasyon ng kanilang 44th anniversary na “National Dabarkads Day” kasama ang kanilang mga co-hosts na sina Paolo Ballesteros, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Jose Manalo at Wally Bayola.

Sabi nga ng tinaguriang Henyo Master na si Joey, sila lang daw ang show na pati ang katapat na programa sa ibang TV network ay nakiki-join sa kanilang selebrasyon.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng showbiz icon ang litrato ng mga hosts ng “E.A.T.” kaugnay ng kanilang “National Dabarkads Day.”

Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022

 “As of today, nadagdagan na naman ang mga network monikers and nicknames,” ang caption ni Joey sa kanyang IG post.

“Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!” hirit pa niyang pang-ookray. Hindi naman niya tinukoy kung sinu-sino ang sinabihan niya ng “kapalmuks” o “kapal ng mukha.” 

Marami ang sumang-ayon kay Joey pero may kumontra rin sa kanya at nagsabing tigilan na niya ang pagpaparinig kung hindi naman niya mabanggit ang pangalan ng mga ito. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments. 

“Ang Tape GMA na inalisan nyo ay Bahay lamang. KAyO ang Tunay na TAHANAN.”

“Lumalaban pa ang mga kapalmuks hindi nlang ibigay ng kusa sa tvj ang eat bulaga sa kanila naman talaga nararapat ang titulong yan.”

“Tigas ng mga mukha ng fakebulaga! okay lang sana mag celebrate sila pero sana yun credits sa TVJ. sarap sabunutan ng mga tape ng loslost.”

“Yes Sobrang KAPALMUKS talaga Nila. Harapang pagnanakaw ang ginagawa nila.”

“Happy Anniversary TVJ and legit dabarkads! Kapalmuks talaga. Di na lng baguhin ang pangalan at ibigay sa inyo ang Eat Bulaga. Parang may ambag sila dun.”

“Nangunguna si Paolo Contis sa kapalmuks.”

“Korek ang kapalmuks mag speech eme.makapag yung paolo contis at yung writer kapal tlga ng fes San Banda yung 44 since 1979 wala naman ambag.”

“Kapalmuks talaga! May pa-press release pa si paolo na kapag nakita tvj yayakapin nya, pero panay basa sa idiot board nila na panira!”

“Sana maibalik na sa inyo yung title bago pa nila tuluyang babuyin. Kung baga sa babae binabalahura nila yung show. Si yorme naman di alam ang totoong meaning ng 2 joints. Pinasikat yung senyas tolongges din naman. Real recognize real. 2 joints di para sa lahat.”

 “Work is work.! Pero kahit madami po akong love sa naiwan niyo nananatiling Legit Dabarkads po ang pamilya namin.”

“Yabang ni paolo contis..pati nman eto@g si yorme its not about the host daw..tumo-tolongest noontime show n nmn..sabi ni paolo contis hindi lang daw 143 kundi all for you. binabasa nman sa prompter ung sinsabi.”

Related Chika:

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TAPE Inc pinabulaanan ang chikang matatapos na ang ‘Eat Bulaga’, nag-improve raw ang ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending