Raffy Tulfo lumebel na kina Noli de Castro, Mel Tiangco at Jessica Soho sa natanggap na parangal sa 35th Star Awards for TV
LUMEBEL na ang radio at TV personality na si Sen. Raffy Tulfo sa mga kilalang personalidad sa mundo ng pamamahayag matapos parangalan sa katatapos lamang na 35th Star Awards for Television.
Kahilera na ng public servant at news anchor sina Luchi Cruz-Valdes, Maria Ressa, Noli de Castro, Jessica Soho, Mel Tiangco at marami pang iba dahil sa tinanggap na Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement award mula sa Star Awards for TV na ginanap sa Winford Manila Resort and Casino sa Manila noong Enero 28.
Ang TV5 news anchor, radio host at kinikilalang “King of Public Service” na ngayon ay kinilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa industriya ng broadcasting.
Ang honorary award na ito ay iginagawad sa mga long-time broadcast journalists sa larangan ng news at public affairs.
Kasama rin sa Star Awards honorees ang Senior Assistant Vice President at Executive Director for Health ng SM Foundation, Inc. na si Connie Angeles na nakatanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
Sa kanyang mahigit 20 taon sa public service, si Sen. Tulfo o mas kilalang “Idol Raffy” ng kanyang mga tagasubaybay, ay isa sa mga pinaka-respetadong broadcast personalities ng TV5 sa kanyang pagiging anchor ng primetime newscast na “Frontline Pilipinas,” weekend newscast na “Aksyon Weekend,” noontime newscast na “Aksyon sa Tanghali,” morning show na “Idol in Action,” at sa kanyang top-rated program sa Radyo5, ang “Wanted sa Radyo.”
Nagmarka si Tulfo bilang “man of action” at naging haligi siya ng public service in broadcasting. Ang kanyang matapang at no-holds-barred persona, kasama ng kanyang mabilis na pagkilos at pagnanais na makatulong sa mga Pilipinong nangangailangan, ang umani ng tiwala ng mga tao upang kilalanin siyang “Hari ng Public Serbis.”
John Lapus inakusahang binu-bully si Duterte; Ogie ipinagtanggol si Raffy sa madlang pipol
Raffy Tulfo nalagasan ng libu-libong subscribers sa YouTube, dahil nga kaya sa pagkanta sa ASAP?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.