True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo? | Bandera

True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

Reggee Bonoan |July 31,2023
facebook
share this

True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

Reggee Bonoan - July 31, 2023 - 04:16 PM

True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

James Reid, Liza Soberano at Jeffrey Oh

MAY koneksyon ang artikulong ito sa blind item namin dito sa BANDERA noong Hulyo 28 tungkol sa talent manager-producer na hinuli umano ng Bureau of Immigration.

Nasulat din namin na nakarehistro raw ang pangalan ni Jeffrey Oh sa Securities Exchange Commission o SEC bilang owner ng Careless Management pero mukhang hindi raw ito toto.

Dahil nang hingan na siya ng proper documents ng BI ay wala siyang maipakitang papeles na nagsasabing pwede siyang magpatakbo ng negosyo dito sa bansa dahil isa siyang American citizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Ang balita ng “Cristy Ferminute” host na si Nanay Cristy Fermin sa kanilang programa kanina, “Ito po ay nakarating sa akin noong Biyernes, Hulyo 28 na ‘yun pong bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh ay pinuntahan ng mga alagad ng batas sa kanyang opisina sa Poblacion, Makati.

“Inakyat siya roon ng mga otoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya. Alam mo ba (baling sa co-host niyang si Rommel Chika) baka ipa-deport itong Jeffrey Oh, haharap siya sa deportation.

“Paano hiningi ang mga dokumento sa kanya, wala pala siyang mga papeles na nagsasabi at nagbibigay ng kalayaan sa kanya to operate business in the Philippines. Wala rin siyang SEC registration, wala!” sabi pa.

Baka Bet Mo:  Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

“Ang lakas-lakas (ng loob) na minanage-manage si Liza at ang iba pa (talents ng Careless) wala ka naman palang dokumento para ipakita na may kalayaan kang magnegosyo dito sa Pilipinas.
Grabe, nakakaloka!” rebelasyon pa ng TV-radio host.

Nagbigay din ng komentong “nakakaloka naman ‘yan” si Romel Chika sa balita ni ‘Nay Cristy.

Pakiwari ni ‘Nay Cristy ay sinet-up si Jeffrey Oh sa paghuli sa kanya noong Biyernes.

Nagtanong naman kami sa aming source na unang nagkuwento tungkol sa isyu kay Jeffrey Oh at kasalukuyan daw itong naka-detain sa Bureau of Immigration.

“For inquest pa, pero nakakulong na siya,” kaswal na sabi ng aming source.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeffrey Oh (@hwamok89)


Tanda namin ay na-blind na rin namin itong si Jeffrey Oh na inireklamo ng kaanak ng aktor dahil sa puhunan sa negosyo na hindi na nito naibalik.

At kinumpirma na rin ni Nanay Cristy na ang taong isa sa nagrereklamo ay ang ama ng business partner niyang si James Reid na si Ginoong Malcolm Reid dahil ito ang nangangasiwa sa kinikita ng anak.

Sabi ni ‘Nay Cristy kay Romel Chika, “Hulaan mo sa dami ng nagrereklamo (ay) isa pala ang tatay ni James Reid laban dito kay Jeffrey Oh dahil ‘yung pera ng anak niya na parang sosyo sila, di ba?

“Hindi nakakarating kay James Reid ‘yung kaukulang pangako na perang ibibigay partner parang ganu’n. Hayan na sila na mismo ang nag away-away.

“Itong si Jeffrey Oh, ginawa pa tayong sinungaling, di ba sabi niya, ‘mga sinungaling kayo! Kampi lang kayo kay Ogie Diaz at sa ABS-CBN that you keep on telling that were wrong’ mga ganu’n pa. O, sino ang wrong ngayon?

“Minanage po si Liza, pinapaniwala mo si Liza na matutupad moa ng kanyang Hollywood dream, wala ka naman palang SEC registration at wala ka naman palang karapatang mag negosyo dito sa Pilipinas dahil banyaga ka!” sabi ni Nanay Cristy.

Tanong ni Romel Chika, “Naku, e, paano ngayon ‘yan Nanay si Liza? Ano na ngayon ang mangyayari?”

Nagbiro si Nanay Cristy na kakanta raw ang aktres ng “Aabutin nito ang Bituin.”

Samantala, nasulat din namin dito sa BANDERA noong Hulyo 6 na talagang wala na sina Liza at Enrique Gil dahil ang karelasyon na umano ng dalaga ay ang manager niyang si Jeffrey Oh.

At heto, nabanggit na rin sa “CFM”, sabi ni ‘Nay Cristy, “Ang balita ay wala na talaga si Liza at saka si Quen although nagpupunta pa rin si Quen sa bahay nina Liza kahit wala siya. Dahil ang balitang-balitang karelasyon ni Liza ay itong Jeffrey Oh na ‘to.”

Hirit ni Romel Chika, “At hindi lang ngayon natin narinig ‘yan, huh! Noon pa, nu’ng lumabas si Jeffrey Oh dito sa Pilipinas.”

Sagot ni ‘Nay Cristy, “Totoo, di ba? Kung anu-anong mga interview ang itinuturo kay Liza. Ito naman si Liza kung anu-anong salita (na) kawalan ng utang na loob ang pinakawalan kay Ogie Diaz at saka sa ABS-CBN at sa loveteam nila ni Quen kasi yan siguro ang tinuro ng Jeffrey na ‘to!

“O ngayon, anong mangyari ipapa-deport ka? Haharap ka sa deporation ngayon dahil wala kang karapatang magnegosyo rito sa aming bayan. Tapos ang lakas ng loob mong magpaniwala ng mga personalidad na madadala mo sila sa Hollywood,” sabi pa.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jeffrey Oh at ng kampo niya tungkol sa usaping ito.

Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Relasyon nina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo totohanan na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending