Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel | Bandera

Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel

Therese Arceo |March 09,2023
facebook
share this

Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel

Therese Arceo - March 09, 2023 - 07:14 PM

Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel
NAGSALITA na ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz hinggil sa isyung diumano’y hindi nila pagpayag na mag-audition ang dalaga para sa role ni Mary Jane sa Marvel film na “Spiderman: Homecoming”.

Matatandaang nag-trending ang pahayag ni Jeffrey Oh, CEO ng Careless Music na siyang kasalukuyang nangangalaga sa career ng dalaga sa nagdaang 2nd 2nd Philippine Creative Industries Summit.

Aniya, nag-reach out raw kay Liza noon ang Marvel para mag-audition sa role bilang si Mary Jane ngunit hindi raw ito pinayagan ng dating management na sina Ogie Diaz at Star Magic.

Kaya naman agad nilinaw ng dating talent manager ni Liza ang pahayag ng Careless Music CEO at sinabing wala namang nakarating na imbitasyon sa kanila noon.

“Ito ay may kinalaman po doon sa sinabi ni Mr. Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless management ni Liza Soberano tungkol doon sa nanghihinayang sila kung bakit sana ay si Liza Soberano ang gumanap na Mary Jane, leading lady ni Spiderman noong mga 2016/2017,” umpisa ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Si Liza Soberano na rin po ang nagsabi n’yan na walang imbitasyon na galing sa Marvel at ‘yung tweet na ‘yun ay galing sa isang fan na nagpakalat na naniniwala na posibleng makapasok si Liza bilang isa sa mga extra or may mga roles doon sa Spiderman kung siya ay sakaling mag-o-audition.”

Ani Ogie, hindi raw niya alam kung saan nanggagaling si Jeffrey Oh sa naging pahayag nito kaya naman humihingi ito ng “resibo” o pruweba na susuporta sa pahayag nito.

Baka Bet Mo:  Liza Soberano aminadong ‘clout chaser’: That’s how it should be in the entertainment

“Mr. Jeffrey, you might want to release the ‘receipt’ or proof that Liza received an invitation from Marvel to audition for the role of Mary Jane.

“Dahil ako bilang former manager ni Liza, at ang Star Magic, at ng ABS-CBN, as far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel. At iyan ay sinigundahan ni Liza kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling si Mr. Jeffrey,” lahad ni Ogie.

Gusto raw niyang humingi ng katibayan para naman makahingi sila ng tawad sa dalaga sa kanilang pagkakamali kung mayroon man.

“Kaya nga hinihingan ko ng resibo kaso kapag may resibo, makapag-sorry kami kay Liza. Sino ba naman ang ayaw? Lead [role] ‘yun at Hollywood movie ‘yun na pangarap ni Liza pero wala nga pong imbistasyon. Alangan namang mag-gate crash ka sa audition, wala namang ganon. Bakit naman hindi namin i-a-allow ‘yung bata, ‘di ba?” sey ni Ogie.

Chika pa niya, totoo raw talagang marami nang ginagawang proyekto noon si Liza lalo na’t nakagawa na ito ng pangalan sa industriya.

“Popular na si Liza. Alangan namang nakatanghod lang yan sa bahay at naghihintay lang siya kung mayroon siyang audition mula sa Hollywood,” proud na sabi ni Ogie.

Hirit pa niya, dapat raw ay nag-uusap sina Liza at ang bago nitong management o kaya naman ay nagtanong muna ang Careless CEO kung anong pakakawalang statement dahil naging sanhi ito para mas lalo pang i-bash ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

“Pinagmumukhang ilusyunada si Liza. Diyos ko naman, hindi naman starlet si Liza. Sikat pa rin naman si Liza. Bakit kailangang dumaan sa ganitong ka-cheap-an si Liza.”

Hindi rin daw sure nina Ogie kung isa ito sa strategy ng management ng aktres para lumikha ng ingay. Kung ito man daw ang kanilang balak ay talagang nagtagumpay sila.

Sey pa niya sa pagkwestiyon ni Jeffrey Oh sa pagma-manage nila noon kay Liza, mas nakakahiya naman daw kung walang nangyari sa career ng aktres.

Banat ni Ogie, “Tsaka, Diyos ko naman, Sir Jeffrey, kinukwestiyon mo ‘yung 10 years naming pagma-manage kay Liza. Mas nakakahiya naman siguro kung sa loob ng 10 years na ‘yan, e wala namang nangyari kay Liza [at] di siya sumikat [o] hindi siya nakilala, hindi siya naging successful.

“Afterall, hindi n’yo rin naman kukunin si Liza kung hindi rin naman siya sikat. Kung nanatili siyang starlet sa loob ng isang taon. You cannot erase the fact that ABS-CBN, Star Magic, and Ogie Diaz were part of Liza Soberano’s success [and] popularity [that] you are enjoying. I know you can take good care of her as much as we did.”

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng Careless Music hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending