Andrea Torres hindi kayang patawarin ang ‘cheating’

Andrea Torres hindi kayang patawarin ang ‘cheating’, inaming nagiging kaibigan ang mga ex-BF

Pauline del Rosario |July 29,2023
facebook
share this

Andrea Torres hindi kayang patawarin ang ‘cheating’, inaming nagiging kaibigan ang mga ex-BF

Pauline del Rosario - July 29, 2023 - 09:34 AM

Andrea Torres hindi kayang patawarin ang ‘cheating’, inaming nagiging kaibigan ang mga ex-BF

PHOTO: Instagram/@andreatorres

PARA sa Kapuso actress na si Andrea Torres, ang pinaka hindi niya mapapatawad sa isang relasyon ay ang panloloko o cheating.

‘Yan ang deretsahang inamin ng aktres sa binansagang King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”

Paliwanag ni Andrea, “Kasi trust po ‘yun e. Feeling ko kapag nasira na ‘yun ang hirap na e.”

“Kasi kahit sabihin mo napatawad mo na ‘yung tao. Lagi nang may babagabag sa utak mo kasi nagawa na sa’yo once,” Paliwanag niya.

Aniya pa, “So feeling ko po, masisira na po talaga ‘yung dynamics niyo as a couple.”

Baka Bet Mo: Andrea Torres maraming nabago sa buhay mula nang gumanap na Sisa, inaming pinakamahirap na role na ibinigay sa kanya ng GMA

Bigla naman siyang tinanong ni Tito Boy kung nagiging kaibigan ba niya ang mga nagiging ex-dyowa.

Ang sagot diyan ng aktres, “Actually, most of my exes okay naman po kami.”

Sundot na tanong pa ng TV host, “But it takes a while?”

Tugon ni Andrea, “Yes. May time muna apart.”

Kasunod naman diyan ay inusisa ni Tito Boy kung ano naman ang mga hindi kayang isakripisyo ni Andrea pagdating sa relasyon.

Ayon sa aktres, ito ay ang kanyang halaga, pamilya at mga pangarap sa buhay.

“Dati po kasi parang meron akong ganung thinking e, ‘diba ganun tayo Tito Boy parang all mine to give. Ang sarap kasi ng feeling na ganun, pero na-realize ko po na hindi. Dapat balanced lang palagi. Matuto ka ring mag-receive,” sambit ng aktres.

Kasunod niyan ay nabanggit ni Andrea na mas “strong” na siya ngayon in terms of relationships.

“Feeling ko, I’m stronger now. I’m stronger than I think pala kasi kapag inlove ka, feeling mo parang guguho ang mundo ‘diba pagka nagkahiwalay kayo,” lahad ng aktres.

Patuloy niya, “And everytime you go through a relationship, ‘yung may nabi-build sa character mo na ‘ay kaya ko pala’, so mas nagiging confident ka.”

“Parang I feel Tito Boy na may tamang tao for you e. Hindi porket hindi nag-work ‘yung relationship niyo, merong isa sa inyo ang may deperensya. Meron lang tamang personality for your personality and vice-versa,” dagdag pa niya.

Kung maaalala, ang huling nakarelasyon ni Andrea ay ang aktor na si Derek Ramsay na ngayon ay kasal na sa aktres na si Ellen Adarna.

Ilan lamang sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil magkaiba ang kanilang “values.”

Related Chika:

Zoren: Gusto kong makita ng mga tao na mas nagiging juicy ako, yung nagiging sariwa nang pasariwa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia nakiusap na wag nang ireklamo ang pagkapanalo ni Miss Mexico: Nagiging sobrang toxic na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending