Andrea Torres maraming nabago sa buhay mula nang gumanap na Sisa, inaming pinakamahirap na role na ibinigay sa kanya ng GMA | Bandera

Andrea Torres maraming nabago sa buhay mula nang gumanap na Sisa, inaming pinakamahirap na role na ibinigay sa kanya ng GMA

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Andrea Torres maraming nabago sa buhay mula nang gumanap na Sisa, inaming pinakamahirap na role na ibinigay sa kanya ng GMA

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:25 AM

Andrea Torres maraming nabago sa buhay mula nang gumanap na Sisa, inaming pinakamahirap na role na ibinigay sa kanya ng GMA

Andrea Torres

FOREVER nang magiging bahagi ng buhay ni Andrea Torres ang pagganap niya bilang Sisa sa hit historical portal fantasy series ng GMA 7 na “Maria Clara at Ibarra“.

In fairness, ilang linggo nang tapos ang nasabing programa pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga netizens sa social media dahil na rin sa ganda ng pagkakagawa nito.

Ayon kay Andrea, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga naranasan niya habang ginagawa ang serye kung saan nakasama nga niya sina Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Sabi ng dalaga maraming nabago sa buhay at career niya mula nang  gampanan niya karakter na Sisa. Feeling niya, mas lumalim at lumawak pa ang kaalaman niya sa iba’t ibang atake ng pag-arte.

“Ang daming surprises, good surprises. Talagang I think hindi mawawala sa akin si Sisa, always siyang with me,” ang pahayag ng Kapuso actress sa GMA Regional TV morning show na “At Home with GMA Regional TV” last March 16.

Dahil sa napakagaling na performance ni Andrea sa “Maria Clara at Ibarra” ay nagwagi siya ng Best Actress in a Supporting Role sa Platinum Stallion National Media Awards.

“Wala naman ‘yun sa isip ko nu’ng ginagawa ko ‘yung Sisa. Parang I just really wanted to give justice to the role.

“Sabi ko, “Naku, ayoko lang talaga na hindi nila magustuhan ‘yung Sisa na mapapanood nila.’ Napakalaking bonus nito for me e, ang sarap ng pakiramdam,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Talaga raw kinarir niya ang paghahanda para sa role niya bilang si Sisa, “Sobrang research, homework talaga. Bukod sa pagbasa-basa online, nagpa-workshop ako, hindi ako tumigil magpa-workshop. Talaga pong tinutukan ko siya and worth it naman.”

Baka Bet Mo: Andrea Torres puring-puri ng netizens sa pagganap bilang ‘Sisa’: Sasabog ang puso ko!

Sa isang panayam, nabanggit din ni Andrea kung saan siya humugot ng emosyon para mabigyan ng hustisya ang kanyang role, “Yung pagkakakilala ko po kay Sisa based sa research po na ginawa ko at lahat ng pinagdaanan niya.

“Napakabigat po kasi talaga. Kumbaga habang binabasa ko, gustung-gusto ko siyang yakapin, kung puwede lang. Hindi ko po mapigilan, na-attach talaga ako. At the same time, very close kasi ako sa parents ko. So iba rin po talaga ang dating sa akin ng parents,” aniya pa.

Ito na raw yata ang pinakamabigat na role na ginampanan niya, “I think so po. Dito ko naranasan na after ng taping, bagsak talaga ako the next day.

“Masakit ang mata ko, mina-migraine ako, pero masayang-masaya ang puso ko. Natatapos ang araw na lagi akong may malaking ngiti. Very fulfilling po. Kasi honestly maraming eksena rito na grabe ang kabang nararamdaman ko,” sabi pa ng dalaga.

Samantala, ka-join si Andrea sa bagong Kapuso series na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso actress Bea Alonzo, ang “Love Before Sunrise.”

Darryl Yap puring-puri ang ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie, Dennis at Julie Anne: Hindi nakakabato, hindi kailangan ng hype

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending