Andrea Torres puring-puri ng netizens sa pagganap bilang ‘Sisa’: Sasabog ang puso ko!
KALIWA’T kanan ang natatanggap na papuri ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Sisa sa fantasy series na “Maria Clara At Ibarra”.
Si Sisa ay isang karakter sa nobelang isinulat ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal na pinamagatang “Noli Me Tangere”.
Talaga namang agad na nag-trending sa Twitter ang “Sisa”, “Andrea Torres”, at “MCIKumpisal” tanda na talagang marami sa mga netizens ang humanga sa naturang episode ng Kapuso teleserye.
Makikita sa trending video clip ang nakakadurog ng pusong paghihinagpis ni Sisa nang hindi na niya masilayan ang dalawang anak na sina Crispin at Basilio.
At talaga namang bumilib at nangilabot ang madlang pipol nang bigkasin na ni Andrea ang mga katagang “Crispin, Basilio, ang mga anak ko!” na hindi na rin bago sa pandinig ng mga Pinoy at madalas ngang gawing katuwaan at biruan.
Marami rin sa mga Pilipino viewers ang aminadong malaking tulong ang episode ng “Maria Clara At Ibarra” para lubusang maintindihan ang karakter ni Sisa na sa libro lang nababasa noon.
View this post on Instagram
“People remember her insanity. But they often forget what drove her to madness. Thank you @gmanetwork and @andreaetorres for letting people see that the story of Sisa is not something to laugh at. May we not be the reason why someone falls off the ledge,” tweet ni Atty. Gideon Peña.
Comment naman ng isa, “You deserve an Best Actress Award Bb.Andrea Torres… si Sisa hindi lang isang baliw, kundi baliw sa pagmamahal sa kaniyang anak.. Congrats po.”
“Sa tanda kong ito ngayon ko lang talaga naintindihan kung saan at paano nabaliw si Sisa… hindi na nila gagawing biro ang salitang Sisa ngayon… kasi ngayon pag sinabing baliw, Sisa na agad,” sey naman ng isa.
Labis naman ang pasasalamat ni Andrea sa lahat ng mga naka-appreciate ng kanyang pag-arte.
“Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best. TGBTG (To God Be The Glory),” saad ng aktres.
Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate 🙏 Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best 🙏❤️🥲 TGBTG. #MCIKumpisal
— Andrea Torres (@andreaetorres) November 2, 2022
Bukod kay Andrea ay hinangaan rin ng manonood ang pag-arte ni Barbie Forteza bilang si Klay.
Nag-trending rin ang eksena ng dalaga habang nagdarasal sa loob ng simbahan kung saan tinatanong nito ang Diyos patungkol sa pang-aabuso ng mga prayle sa mga kababaihan at kabataan.
Related Chika:
Andrea Torres nawalan ng tiwala sa sarili sa sunud-sunod na rejection sa mga audition: Pangit ba ‘ko, hindi ba ‘ko magaling?
Andrea Torres bet magpatayo ng foundation para sa mga may down syndrome, autism
Andrea Torres hindi reresbak kahit agawan ng dyowa; nagluluksa sa pagkamatay ni ‘Andeng’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.