Andrea Torres hindi reresbak kahit agawan ng dyowa; nagluluksa sa pagkamatay ni 'Andeng' | Bandera

Andrea Torres hindi reresbak kahit agawan ng dyowa; nagluluksa sa pagkamatay ni ‘Andeng’

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Andrea Torres hindi reresbak kahit agawan ng dyowa; nagluluksa sa pagkamatay ni ‘Andeng’

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 11:31 AM

Andrea Torres at Andeng

KAHIT inagawan na at inapi, hinding-hindi raw maghihiganti o reresbak nang bonggang-bongga ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

Kamakailan, sa isang segment ng Kapuso morning show na “Mars Pa More,” binigyang-diin ng dalaga na hindi raw siya ang klase ng tao na nagtatanim ng galit at mag-iisip ng paghihiganti.

Binigyan ng mga sitwasyon sa nasabing programa si Andrea at ang dalawa pang guest na sina Migs Villasis at Kimson Tan, kabilang na nga rito ang tanong kung maghihiganti ba sila sakaling may mga taong mang-agaw sa mga tao o bagay na mahalaga sa kanila.

Mabilis na sagot Andrea, “Hindi ako maghihiganti. Hindi talaga ako naniniwala sa ganu’n. Kasi mayroon ka pang dadalhin na bigat sa sarili mo. Makukunsensiya ka pa.”

Naniniwala rin ang Kapuso star sa matandang kasabihan na, “Kung para sa ‘yo talaga, mapupunta rin naman sa ‘yo. Magkakaroon ng way para babalik sa ‘yo.”

Sinang-ayunan naman ito ng host ng programa na si Iya Villania at ipinagdiinan na mas lalabas na talunan ang isang indibidwal kapag naghiganti pa.

Samantala, nagluluksa pa rin hanggang ngayon si Andrea sa pagpanaw ng kanyang alagang pusa nitong nagdaang Feb. 25.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng sexy actress ang pamamaalam ni Andeng na 10 taon din niyang inalagaan. Aniya, namatay ang pusa makalipas ang ilang araw nang makauwi siya sa bahay mula sa lock-in taping.

“June 5, 2011 – Feb 25, 2022. Shortly after I arrived home from lock-in, my Andeng took his final breath.

“He just waited for me. Just like how you were in the decade that we spent together, you never fail to touch Mommy’s heart. 

“I saw how hard you fought to grant Mommy’s wish to have more time with you.

“Thank you so much, Andeng. I know you know how much we love you. You will be greatly missed. Rest now my baby…” ang caption ni Andrea sa IG photo ni Andeng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago sumakabilang-buhay, ibinahagi ni Andrea ang litrato ng alagang pusa na may caption na, “Praying for Andeng” at “Hang in there my little fighter.”

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Andrea bet na bet si John Lloyd: Feeling ko ang bonggang experience nu’n!

Kylie naniniwala pa rin sa forever kahit nakipaghiwalay kay Aljur?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending