Bunsong anak nina Juday at Ryan na si Luna napaiyak nang hindi payagang mag-zipline: 'There’s nothing wrong with you...it means you’re too brave' | Bandera

Bunsong anak nina Juday at Ryan na si Luna napaiyak nang hindi payagang mag-zipline: ‘There’s nothing wrong with you…it means you’re too brave’

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

Bunsong anak nina Juday at Ryan na si Luna napaiyak nang hindi payagang mag-zipline: ‘There’s nothing wrong with you…it means you’re too brave’

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:38 AM

Bunsong anak nina Juday at Ryan na si Luna napaiyak nang hindi payagang mag-zipline: 'There’s nothing wrong with you...it means you’re too brave'

Luna Agoncillo

NAAWA pero bumilib nang bonggang-bongga ang mga netizens sa bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna.

Umani ng sandamakmak na likes at comments ang ipinost na video ni Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang ilang bonding moments nila ni Juday kasama ang mga anak.

Base sa mga latest post ng celebrity couple sa kanilang social media accounts, nasa New Zealand ang Agoncillo family para sa ilang araw na pagbabakasyon.

At isa nga sa mga ginawa nila roon ay ang magtungo sa isang theme park para mas maging unforgettable ang kanilang vacation, lalo na ng kanilang mga anak.

Pinusuan ng mga netizens ang video na ibinahagi ni Ryan sa IG kung saan makikitang umiiyak si Luna dahil hindi siya pinayagang makapag-zipline.

Maririnig si Ryan na kinakausap ang bunsong anak at tinatanong kung bakit ito umiiyak. Sagot ng bagets, “Because I can’t go on a zipline.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


Sabi naman sa kanya ni Ryan, “That’s all right baba. There’s nothing wrong with you. It’s just that they didn’t have little girls in mind. It means you’re too brave.”

Baka Bet Mo: Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Naintindihan naman ni Luna ang sinabi sa kanya ng ama at unti-unti na itong tumigil sa pag-iyak. Nang sabihin ni Ryan na ita-try nila ang sky swing ay agad namang umoo ang bata.

Sey pa ni Ryan, bumilib din siya sa tapang ni Luna dahil kung ang ibang bata raw ay natatakot at ayaw sumakay ng mga kakaibang rides, iba naman ang trip  ni Luna.

“Ito baligtad, eh. ‘Yung anak ko hindi umiyak dahil pinilit mag-ride eh. Umiyak kasi hindi pwede. That’s all right my love. You’re a brave girl,” sabi pa ni Ryan kay Luna.

Bukod kay Luna, kasama rin nina Juday at Ryan ang mga anak na sina Yohan at Lucho sa kanilang New Zealand vacation.

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending