Judy Ann Santos sa pakikipagtrabaho kay Claudine Barretto: This is I think the very perfect moment | Bandera

Judy Ann Santos sa pakikipagtrabaho kay Claudine Barretto: This is I think the very perfect moment

Therese Arceo |June 13,2023
facebook
share this

Judy Ann Santos sa pakikipagtrabaho kay Claudine Barretto: This is I think the very perfect moment

Therese Arceo - June 13, 2023 - 09:07 PM

Judy Ann Santos sa pakikipagtrabaho kay Claudine Barretto: This is the very perfect moment
BUKAS ang beteranang aktres na si Judy Ann Santos sa pagkakaroon ng proyekto kasama si Claudine Barretto.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong ang aktres kung may posibilidad ba na magsama sila ni Claudine kung mabigyan ng pagkakataon.

“We never really had the chance to be close nung mga bata pa kami because Star Magic siya and I have Tito Alfie [Lorenzo] with me,” panimula ni Juday.

Si Claudine rin kasi ang talagang itinuturing bilang matinding karibal niya sa showbiz noon.

“Palagi kaming nakatapat sa isa’t isa and I guess it’s a very healthy competition back then,” lahad pa ni Juday.

Dagdag pa niya, “Ako, naniniwala hanggang ngayon, there’s a always a need for you to have a competition para alam mo kung saan mo pa puwedeng itaas yung sarili mo. Saan ka pa puwedeng mag-improve.”

Baka Bet Mo: Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

Sa kabila naman ng kanilang kompetisyon sa mundo ng pag-arte ay naging maayos naman ang relasyon nila.

“We’re very… good friends. We’re okay. We never just had the chance to go out and be really close,” lahad ni Juday.

Sa aspeto naman ng pagsasama nila sa isang proyekto ay game na game ang aktres.

“A project with Claudine? Of course, why not? I think hindi naman dahil sa hinihingi ng mga tao, but I think it would be an interesting project,” sabi ni Juday.

Baka ito na nga rin ang tamang panahon para magsama sila sa isang proyekto lalo’t parehas na silang mga magulang.

Sey pa ni Juday, “It could be something na sana puwede pala siyang mangyari noon or baka tamang ito ang panahon para magsama kami kasi pareho na kaming may mga anak. Iba na ang ihip ng hangin, kumbaga.

“I believe na for me and Claudine to do a project, this is I think the very perfect moment. Why? Because kalmado at payapa ang lahat.”

Related Chika:
Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending