Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga! | Bandera

Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

Therese Arceo |September 08,2021
facebook
share this

Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

Therese Arceo - September 08, 2021 - 04:45 PM

GRETCHEN BARRETTO

USAP-USAPAN ngayon ang ginawang pamimigay ng ayuda ni Gretchen Barretto sa mga kaibigang artista pati na rin sa mga showbiz press sa kasagsagan ng pandemya.

Isa na si Manay Lolit Solis sa mga pumuri sa unexpected na pagbibigay tulong ni Greta.

Pagbabahagi nito sa kaniyang Instagram post, wala raw talagang tatalo pa sa ginawa ng aktres na nagpamahagi ng Gretchen Love Box o Gretchen Ayuda.

Aniya pa, wala raw puwedeng itapat ang mga celebrities na nababalitang may multi million na kinikita at may mga collection pa ng mga luxury items at mga celebrities na konti lang naiabot ay nasa news agad.

“Si Gretchen sa tulong ni Ana Abiera at ilang member ng press tulad nila Francis Simeon kinuha mga address ng bawat bibigyan ng Gretchen Love Box, personal na dinala sa bawat bahay.

“Hindi gumagawa ng pelikula, serye, o anuman si Gretchen. Hindi rin siya tatakbo sa eleksyon. Wala lang, gusto niya lang bigyang ang almost 100% ng showbiz press, mga kapwa artista, ilang taga-showbiz na nakakasama niya,” saad ni Manay Lolit.

Chika pa nito, mamahalin at magandang klase ang bigas na ibinigay nito at karamihan sa groceries ay imported at hindi mukhang ayuda galing DSWD.

“Kabati o kaaway niya pinadalhan niya. Walang nakagawa ng ganito sa mga top celebrities natin. Ngayon lang ito nangyari ng walang okasyon, pandemic nga pero matagal ng wala sa showbiz si Gretchen. Wow, big brave heart talaga,” pagpaptulog nito.

Mayroon rin daw nagpaabot ng malalaking halaga ng pera para maging tulong sa mga showbiz writers dahil pandemic na hindi na nagpabanggit ng pangalan.

Dagdag pa nito, kadiri raw ang mga stars ma konti na nga lang ang naiaabot tapos pupuntahan pa raw para makuha. Hindi raw tulad nila Gretchen na personal na dinala ang mga tulong at regalo sa bawat isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin malilimutan ng showbiz ang ginawa ng dating aktres at kung sino man daw ang nag-advice kay Greta na gawin ito ay may bright mind at kung si Gretchen ang talagang nakaisip nito ay saludo siya sa big heart ng dating aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending