Zeinab Harake fresh na fresh ang awra, hiyang sa 'alagang Bobby Ray Parks' | Bandera

Zeinab Harake fresh na fresh ang awra, hiyang sa ‘alagang Bobby Ray Parks’

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 07:13 AM

Zeinab Harake fresh na fresh ang awra, hiyang sa 'alagang Bobby Ray Parks'

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake

NAGKAKAISA ang mga netizens sa pagsasabing mas gumanda, mas sumeksi at mas nag-bloom ngayon ang awra Zeinab Harake.

Feeling ng mga fans at supporters ng content creator at social media influencer, isa sa mga dahilan kung bakit fresh na fresh si Zeinab dahil magaling mag-alaga ang kanyang dyowang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr..

Base sa comments ng mga netizens sa mga IG post ni Zeinab kung saan bumabandera ang kanilang mga sweet moments together, mukhang hiyang na hiyang ang dalaga sa “alagang Parks”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bobby Ray Parks Jr. (@ray1parks)


Umani ng sandamakmak na likes at positive comments ang Instagram post ni Zeinab kasama si Bobby Ray na nilagyan nakakakilig na caption na, “I (eyes emoji) the king in you (I see the king in you).”

Sey ng mga followers ng vlogger, kitang-kita nila sa awra ng dalaga ang sobrang kaligayahan nito sa piling ng dyowang basketball player.

Baka Bet Mo: Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

“Lalong lumutang ang ganda ni Zeinab.”

“Bumabalik na rin yun dati mong shape. Noong nakaraan kasi ampayat mo. Ang ganda-ganda mo lalo ngayon.”

“Iba talaga ang glow pag nasa tamang tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bobby Ray Parks Jr. (@ray1parks)


“Isang malaking DESERVE!”

“Bagay na bagay kayooooo!!!”

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Zeinab ay inamin nitong magdyowa na sila ni Bobby Ray Parks, “Yes, he’s my partner now. Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend ‘yung nakita ko and sana nga ‘wag mausog.

“Hindi naman po ako magtitiwala agad-agad kung hindi niya rin naman in-earn ‘yun sa akin and pinatunayan niya naman na ‘yung sarili niya,” aniya pa.

Albert Martinez ibinandera ang mga sikreto sa pagiging ‘bampira’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending