Alden inatake ng matinding lungkot nang mawala ang TVJ sa ‘Eat Bulaga’: ‘Parang hindi na ako makakabalik sa pamilya…’
“MALUNGKOT po ako na parang hindi na ako makakabalik sa pamilya na almost half of my career, nandoon ako.”
Yan ang bahagi ng pahayag ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards tungkol sa pag-alis nina Tito, Vic & Joey sa “Eat Bulaga” at ang pagre-resign ng original Dabarkads sa TAPE, Incorporated.
Affected at matinding kalungkutan ang naramdaman ng Kapuso actor-TV host nang magdesisyon ang TVJ at ang kanilang mga co-hosts na iwan na ang TAPE at tuluyan nang lumipat sa TV5. Sa Kapatid Network na sila napapanood ngayon with their new program “E.A.T.”
“Personally, I was of course very sad, na yun nga, of course, the whole management decided to transfer to a different network.
“And I’ve been in talks, of course, with yung mga ka-close ko po doon sa Team Dabarkads, Dabarkads hosts or members of the staff and crew,” pahayag ni Alden kahapon, July 9, sa presscon ng “Battle of the Judges.”
View this post on Instagram
“I love these people dearly. Ang tagal ko po silang kasama. It’s a good six, seven years of my entire career. I’m 11, turning 12 years in the industry. So most likely, kalahati ng buhay ko nasa Eat Bulaga po ako.
“So siyempre, of course, wala po akong karapatang makialam sa desisyon ng management ng parehong kampo dahil isa lamang po akong empleyado.
“Pero kumbaga, kung sa personal ko pong damdamin, sa puso, malungkot po ako na parang hindi na ako makakabalik sa pamilya na almost half of my career, nandoon ako,” pagbabahagi pa ng binata.
Pero paniniguro ng Pambansang Bae, “But we still remain friends, even off cam. But yun nga po, yung opportunity na makalipat muli, makita po sa TV5, medyo yun po kasi ang… of course, hindi lang naman po GMA ang merong ganu’ng exclusivity.
“All the other networks have that. But siguro, kahit saan man po ako mapunta, yung puso ko po bilang Dabarkads, hindi na mawawala yan,” sey ni Alden.
Baka Bet Mo: Cristine umiyak nang aluking magbida sa project tungkol sa marital affairs: OMG! I was shocked!
Sa tanong kung magpo-promote ba siya sa “Eat Bulaga” para “Battle of the Judges” na magsisimula na sa July 15, Sabado ng 7:15 p.m. sa GMA 7, bumuntong-hininga muna ang aktor sabay saying, “Malaki po ang pasasalamat ko kay Ms. Annette Gozon. Kasi, sa kanya ko po in-open up ito.
“Sabi ko, ‘Ms. Annette, ngayon pa lang po, sasabihin ko na po na everything that has happened in the noontime world natin ngayon sa Pilipinas, kung puwede hingin ko lang po na…
“‘Kumbaga, alam n’yo naman po kung saan ako galing. Alam n’yo po yung, of course, in terms of yung relationship na meron ako, siyempre po, nandito po yun sa TVJ and sa Eat Bulaga.
“With those words, hindi ko na kailangang magpaliwanag. But let me clarify lang po, na ‘not necessarily’ means hindi po ako magiging regular or guest with these noontime shows, is hindi po ako puwedeng mag-promo ng shows na meron po ako under GMA.
“So if it’s about promo, okay po. Pero as a guest or regular host, baka hindi po muna. Kasi of course, yung puso ko po is with the Dabarkads,” aniya pa.
View this post on Instagram
May alok na ba sa kanya na mag-guest sa “Eat Bulaga” o sa “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GTV Channel ng GMA? “Na-offer po. Ayoko po kasing magmagaling kaya hindi po ako nangunguna sa ganyan, e.
“So, naghintay lang po ako. Tahimik lang po ako all throughout the issue. Hindi po ako nakisawsaw. Pero by the time po kasi na natanong ako about yung loyalty ko sa… not naman loyalty but my relationship with TVJ, siyempre sinabi ko po yung piece ko.
“Hindi naman po ako plastik, e. Hindi ko puwedeng sabihin na wala kaming pinagsamahan ng Dabarkads before.
“Hindi ko puwedeng sabihin na dahil wala na sila sa GMA is hindi na ako… kumbaga, I let go of the things that we have shared all throughout those seven years.
“Hypocrite naman po ako siguro kung ganu’n ako, di ba? So, sinabi ko lang po yung totoo, yung matter of fact, yung sa mata ng tao na nakita nila all throughout those seven years.
“And siguro, I think that’s basic human rights mo, e. Karapatan ko po yun, e, to really defend yung relationship at yung respetong ibinibigay ko sa mga taong nakakasama ko po dito sa showbiz.
“I think that’s what really matters to me more than anything is the relationship, and you know yung pagiging tao ko sa harap nila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.