Bimby ibinalitang patuloy na bumubuti ang kundisyon ng inang si Kris: 'She's stable and of course still beautiful!' | Bandera

Bimby ibinalitang patuloy na bumubuti ang kundisyon ng inang si Kris: ‘She’s stable and of course still beautiful!’

Reggee Bonoan - April 04, 2023 - 05:49 PM

Bimby ibinalitang patuloy na bumubuti ang kundisyok ng inang si Kris: 'She's stable and of course still beautiful!'

Kris Aquino, Bimby at Joshua Aquino

MASAYANG ibinahagi ni Ogie Diaz sa publiko sa pamamagitan ng “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na umaayos na ang kalagayan ni Kris Aquino na kasalukuyang nasa California, USA kasama ang bunsong anak na si Bimby.

Nasa Corona, California si Ogie noong isang araw kung saan dumalaw siya sa kaibigan at nagkatawagan sila ng nag-iisang Queen of Social Media na magkikita pero dahil maraming medical test na ginawa sa kanya ay napagod siya at hindi na kinayang makipagkita sa kumpare niyang si Ogie.

Si Bimby kasama ang Chief of Staff ni Kris na si Alvin Gagui ang nakipagkita kay Ogie kasama ang kaibigan ng huli at kumain sila sa isang restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa pagkakataong ito ay kinumusta ni Ogie ang kumare niyang Kris kay Bimby, “Nag-super effort si Alvin, secretary ni Kris Aquino na kami ay kitain. At that time ay kasama si Bimby (sabay bati ng binatilyo sa lahat),” bungad ni Ogie kasama ang anak ni Kris, “Bimby dito ka nakatira ‘no? Kung habang nandoon si mommy?”

“Of course! Wherever mom is, I’ll be there,” nakangiting sagot ng bunso ni Kris.

Pinuri ni Ogie ang mga anak ng kumareng Kris niya dahil dikit daw lahat ito sa nanay nila, “Of course!” sambit ni Bimby.

Dagdag ng bagets, “I told my mama that my wife will be the love of my world, and si mama love of my universe, ha!”

Sundot na tanong ni Ogie, “Pero ayaw pa ni mommy mo na mag-girlfriend ka?”

“Oh, ayaw pa, si Mama muna (priority),” giit ng binatilyo.

Baka Bet Mo: Rabiya nakipag-dinner muna sa Hollywood director sa US bago umuwi ng Pinas

Napansin ding naging chinito na si Bimb at mas lalo na nitong kamukha ang ina at hawig din sa lolong namayapa na, si dating Sen. Ninoy Aquino.

Tumawa ang bagets at nagpasalamat sa papuri sa kanya at sa tanong kung kumusta ang ina “Okay naman (nag-isip ng tamang termino), you know stable and of course still beautiful,” saad ng anak ni Kris.

Tumaas na raw ang timbang ng momshie ni Bimb, “She is now 103 (pounds), yeah 103, stable.”

Sabi nga ni Ogie ay good news ito para sa mga sumusuporta kay Kris dahil dati-rati ay less than 90 pounds siya bagay na ipinag-aalala ng lahat.

“Kahit 80 pounds si Mama, before 80 pounds, she’s still beautiful.  Beautiful mama ever para sa akin,” diin ni Bimby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa tanong kung hands on si Bimb sa pag-aalaga sa mama niya, “Oo yeah!  It’s my duty as her son,” kaswal nitong sabi.

Parang nurse na, “Hindi naman.  We have still two nurses kasi I sleep with her, eh, so parang ako ‘yung night duty. Ha-hahahaha!”

Pagdating sa mga gamot ng ina ay hindi kabisado ni Bimby, “Hindi kasi I don’t touch it, eh.  Kasi if I touch it baka magkamali ako.”

At ang laging bilin daw ng ina sa bunsong anak, “Be good, take care of yourself, take care of mama, take care of me when I get older and take care of your brother.”

Sa kasalukuyan ay nandito sa Pilipinas si Josh dahil nami-miss na raw niya ang Tarlac kaya’t nagpa-una itong umuwi.

Si Bimby naman ay nananatili sa piling ng ina at tuloy pa rin ang pag-aaral niya through zoom dito sa bansa.

“My teachers are in Manila, so, (through) zoom and time difference, so, next year yata I might study here na,” kuwento ni Bimb.

At ang mensahe nito sa mga supporters ng mama Kris niya na isinasama siya sa panalangin na gumaling na.

“Maraming salamat po and thank you talaga for praying for mamas’ good health. I promise as a son to do everything I can to take care of her, to make her better,” pangako ng bunsong anak ni Kris sa mga nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa bansa at muling mapanood sa telebisyon.

Toni Gonzaga, Paul Soriano may ipinangako sa pamilya ni Joey de Leon nang gawin ang ‘My Teacher’ para sa MMFF 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris kay Duterte: Never ko siyang binanatan, kaya sa mga DDS, walang reason na maging magkaaway tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending