Rabiya nakipag-dinner muna sa Hollywood director sa US bago umuwi ng Pinas
ANG kilalang aesthetician sa Amerika na si Olivia Quido-Co, CEO at owner ng O Skincare & Med Spa (Cerritos Mall sa California) ang naghatid kay 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Los Angeles International Airport pabalik ng Pilipinas kagabi.
Pero bago ito nangyari ay nag-dinner muna si Rabiya kasama ang kaibigang si 2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa sa paboritong restaurant ni Ms. O na Crustacean Beverly Hills sa California.
Sabi ni Ms. O habang kinukunan ang dalawang beauty queen, “Hi guys, so you’re with MJ and Rabiya. Are you excited to go home?”
“I am. I miss my mama. Mama uwi na ako,” nakangiting sabi ni Rabiya sabay kaway sa camera.
Biro naman ni MJ, “I am not ready yet so I’m staying more. Ha-hahaha!”
Mananatili muna sa Amerika si MJ sa loob ng 10 araw bago siya bumalik ng Pilipinas.
Tanong ni Ms. O sa dalawang beauty queen, “What can you say about my favorite restaurant here.”
“Masarap kasi may rice,” sambit ni Rabiya.
“Masarap kasi may vegan menu,” saad naman ni MJ.
“Ayan swak sa taste ninyong dalawa,” say naman ni Ms. O.
Pinasalamatan ng dalawang beauty queen ang sponsors nila nu’ng gabi kasama na ang asawa ni Ms. O na si Jason at ang foster mom ni Rabiya sa buong pananatili niya sa Amerika, na si Byhydee Marie, base na rin sa caption ng larawan nilang dalawa.
Say ng dalaga, “Few hours before I fly back home, I just wanna post an appreciation message to my second Mom here in US. Thank you for all the help, support and love! Thank you for being with me in 14 different cities, 14 different experiences.
“You are one of the best people I got to know in this US trip! I love you Mama @byhydeemarie.”
“Mami-miss mo ba ako?” tanong ni Rabiya kay MJ.
“Slight lang, 10 days lang,” tumawang sagot ng dalaga.
Nag-post din si Rabiya ng larawan nila ng kilalang American-Iranian film at TV director na si Cyrus Nowrasteh.
Ayon sa caption ng dalaga, “One day before I leave US, I was privileged enough to have a dinner with Hollywood Director @nowrastehcyrus, the man behind the movie The Young Messiah and many more great films.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot ng aming source kung nakarating na sa bansa si Rabiya.
Pero tiyak na maraming mag-aabang sa kanyang mga reporters para isa-isang tanungin ang naging journey niya sa US at siyempre ang tungkol sa lovelife niya at kung magkakabalikan pa ba sila ng ex-boyfriend niyang si Neil Salvacion.
Bukod dito, siguradong uusisain din sa kanya kung saang TV network siya pipirma para sa kanyang unang teleserye. Inamin niya sa panayam niya noon kay Boy Abunda na handa na niyang pasukin ang showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.