P4-M nagliparan sa kalsada sa Cebu, remittance collector nagmakaawa sa mga nakapulot na ibalik ang pera
MATAPOS kumalat ang milyong-milyong halaga ng pera sa kalsada sa Cebu, nagmamakaawa ang isang remittance collector sa mga nakapulot na ibalik na ito sa kanya.
Kung maaalala noong July 4, nag-viral ang isang video na kung saan ay nagkalat ang higit-kumulang na P4 million sa Cebu South Coastal Road (CSCR).
Kwento ng kolektor na si John Mark Barrientos, ang nasabing mga pera ay nakatago sa kanyang bag, ngunit hindi niya namalayan na bumukas ang zipper nito habang siya ay nagmamaneho sa kahabaan ng CSCR.
Dahil sa nangyari, kumalat nga ang milyong-milyong pera sa kalsada at ito ay pinagpupulot ng mga nakakita.
Baka Bet Mo: Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera
Ayon pa kay Barrientos, nalaman lang niya ang nangyari matapos siyang sundan at habulin ng isang driver.
Base naman sa ulat ng pulisya sa Cebu City, hindi bababa sa P2 million ang naibalik na ngayon sa remittance collector.
Nagbabala ang mga awtoridad na maaaring sampahan ng kaso ang mga hindi pa nagbabalik ng pera.
Sa ngayon daw ay nire-review na nila ang CCTV videos upang makilala ang mga nakapulot ng mga pera.
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.