Vice takot na takot nang mag-propose si Ion Perez: 'Yung lumuhod siya tapos nagbigay siya sa akin ng ring, nanginig talaga 'ko!' | Bandera

Vice takot na takot nang mag-propose si Ion Perez: ‘Yung lumuhod siya tapos nagbigay siya sa akin ng ring, nanginig talaga ‘ko!’

Ervin Santiago - July 04, 2023 - 07:12 AM

Vice takot na takot nang mag-propose si Ion Perez: 'Yung lumuhod siya tapos nagbigay siya sa akin ng ring, nanginig talaga 'ko!'

Vice Ganda at Ion Perez

TAKOT na takot ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda noong mag-propose sa kanya ang kanyang asawang si Ion Perez.

Hindi napigilan ng TV host-comedian na maging emosyonal nang alalahanin ang engagement nila ni Ion na naganap noong February 21, 2020.

Hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa isip niya ni Vice ang araw nang lumuhod sa harapan niya si Ion at yayain siyang magpakasal.

Nag-open up si Vice tungkol dito sa nakaraang episode ng kanyang musical game show na “Everybody Sing!” last Saturday, July 1 kung saan mga engaged couples ang naging contestants.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Sabi ni Vice habang kausap ang isang magdyowa na malapit nang magpakasal, “Naiinggit ako kasi hindi ganoon yung naramdaman ko nu’ng nag-propose sa akin si Ion.

“Naiinis ako kasi hinayaan kong talunin ng takot yung dapat saya kong naramdaman. Sobrang dami ng sinasabi tungkol sa amin ni Ion, nanakawan ako ng joy.

“Parang sa inyo, di ba? Ang sarap ng normal, kasi ang normal niyan sa paningin ng marami, di ba? Yung babae tsaka lalaki.

“Pero yung sa amin, hindi normal yung tingin sa amin.

Baka Bet Mo: Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa ‘Showtime’

“Kaya yung moment na nag-propose sa akin si Ion, yung lumuhod siya tapos nagbigay siya sa akin ng ring, nanginig talaga ako,” ang rebelasyon ng Kapamilya star.

Ayon pa sa TV host, hindi raw niya keri ang mga kanegahang matatanggap nila ni Ion mula sa mga bashers at haters kapag ibinandera nila ang kanilang engagement at ang bonggang proposal ng kanyang partner.

“Sa inyo, di ba, ang sarap, mayroon kayong mga remembrance, meron kayong pictures, tsaka mga videos.

“Ako, ang una kong nasabi sa mga kasama namin, ‘Burahin niyo yung mga videos,’ kasi ayoko siyang kumalat kasi takot na takot ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“’Kapag kumalat lang yan, iba-bash lang nila si Ion, iba-bash na naman nila ako, hindi nila iho-honor yung love.’ Parang nakakainggit kasi ang ganda ng nangyari sa inyo,” pahayag pa ni Vice.

Patuloy pa niya, “Ang ganda rin sana ng nangyari sa amin kaya lang ang duwag-duwag ko.

“Kaya, buti na lang may kaisa-isang video na natira. Yung isang friend ko, hindi niya pala binura. Nung nagpakasal na kami ni Ion sa (Las) Vegas, sinend niya sa akin pero ayoko pa ring ilabas.

“Kasi sabi ko, ‘Ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, isi-share ko yun sa mundo tapos babastusin nila, kaya akin na lang yun. At least may natitira sa aking magandang memorya,’” aniya pa.

Dugtong pa ng TV host-comedian, “Ang pinakamasuwerte lang na nangyari sa akin, yung fear ko noon, wala na.

“At yung care ko noon sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin,” sabi ni Vice.

Four years nang magkelasyon sina Vice at Ion at inamin ng una na nagpaplano na rin siyang magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy.

Kim handa na ba kung biglang mag-propose si Xian? ‘Mahirap naman pong umasa nang agad-agad’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending