Kim handa na ba kung biglang mag-propose si Xian? 'Mahirap naman pong umasa nang agad-agad' | Bandera

Kim handa na ba kung biglang mag-propose si Xian? ‘Mahirap naman pong umasa nang agad-agad’

Ervin Santiago - December 15, 2021 - 08:00 AM

Xian Lim at Kim Chiu

DIRETSAHANG natanong ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu kung handa na ba siyang magpakasal kay Xiam Lim sakaling mag-propose na ito sa kanya.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng celebrity couple at masasabing pareho na ring stable ang kanilang buhay kaya marami ang nagkokomento na pwedeng-pwede na silang lumagay sa tahimik.

Sa nakaraang face-to-face presscon at special screening ng bagong pelikula ni Kim na “Huwag Kang Lalabas” last Dec. 12, na ginanap sa Fisher Mall, Quezon Avenue sa Quezon City, game na game na sinagot ng aktres ang maiintrigang tanong.

Una na nga riyan ang paglipat ng boyfriend niyang si Xian, “Suportahan maman po kami ni Xi. Kung saan po siya magkakaroon ng project. E, ngayon, hindi rin naman natin alam ang nangyayari sa ABS-CBN.”

“Tapos, wala rin pong naibibigay sa kanyang project. Napag-usapan namin na kung maghihintay siya, sabi niya, ‘Saan ako?’

“So, parang thankful din siya sa GMA na binigyan siya ng maraming projects doon. So, kung saan may trabaho, doon siya,” paliwanag ni Kim.

Mahigit 12 years ding naging Kapamilya si Xian at huli siyang napanood sa ABS-CBN sa serye nila ni Kim na “Love Thy Woman”  na umere noong February hanggang September, 2020.

Lumipat ang binata sa GMA nito lang August at magtatambal sana sila ni Jennylyn Mercado sa Kapuso serye na “Love. Die. Repeat.” pero pansamantalang natigil ang taping nito dahil sa pagdadalang-tao ni Jen.

At dahil dito, binigyan muna ng ibang proyekto si Xian, ang “False Positive” kasama si Glaiza de Castro.

Sundot na tanong kay Kim, hindi raw ba siya naiinggit sa kaibigan niyang si Vice Ganda na kasama niya ngayon sa “It’s Showtime” dahil palaging kasama ng komedyante ang partner na si Ion Perez.

“Hiwalay lang naman ng network, hindi naman ng pagsasama. Hindi naman buong taon ang lock-in nila. Isang buwan lang. Saka okey rin naman na hindi kami magkita nang isang buwan para ma-miss ang each other. Suportahan lang po,” sagot ni Kim.

Naitanong din kay Kim kung may balak na ba silang magpakasal ni Xian. Napangiti muna ang dalaga sabay hirit ng, “Anong oras na ba? Ay naku, 3:00 p.m. na po, maggagabi na. Ngayon po sana. Charot! Ha-hahaha!”

“Wala! Hindi ko pa po alam. Si Xian na lang po ang tanungin ninyo. ‘Kakahiya naman po kay Xian!” sabi pa ni Kim habang tumatawa.

E, kung mag-propose na sa kanya si Xian, handa na ba siya? “Hayyyy, grabe naman po ang katanungan na ‘yan! Dito pa talaga sa presscon ng horror! Tingnan na lang po natin. Mahirap naman pong umasa nang agad-agad. Pero we love each other.”

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Samantala, excited na si Kim na nalalapit na pagpapalabas ng “Huwag Kang Lalabas” na official entry ng Obra Cinema sa Metro Manila Film Festival 2021 na magsisimula sa Dec. 25.

Ang tinaguriang Millennial Horror Princess ang bida sa “Hotel” episode ng nasabing horror trilogy kasama sina Jameson Blake, Brenda Mage, Tina Paner, Donna Carriaga, Alan Paule, James Teng, at Rico Barrera.

“Nu’ng ginawa po namin ito, hindi po namin alam kung ipapalabas ba siya sa sinehan, or kung saan ito ipapalabas. Ginawa ko lang po ito dahil nami-miss kong umarte. Parang ang tagal-tagal na po kasi!

“Na-miss ko na po talagang mag-acting. And then in-offer po sa akin ang movie na ito, na yun nga po, horror. Another very challenging movie for me dahil matatakutin po ako,” aniya.

Pagpapatuloy ng dalaga, “So, yun, tinanggap ko po yung challenge without knowing na babalik na po pala yung cinemas.

“And then, nakapasok pa po kami sa Metro Manila Film Fest. So, parang ang sarap sa pakiramdam! Na yun nga, ang pagbabalik ng sinehan, kasama kami sa mga napili ng Metro Manila filmfest,” dagdag pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending