Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: 'Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!' | Bandera

Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: ‘Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!’

Ervin Santiago |June 27,2023
facebook
share this

Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: ‘Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 07:52 AM

Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: 'Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!'

Miss Puerto Rico at Juliana Parizcova Segovia

MAY balak nga bang mag-join ang comedian at Miss Q&A Season 1 grand winner sa “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia sa Miss International Queen pageant?

Yan ang tanong ng mga netizens nang mag-post ang komedyante sa kanyang  Facebook account tungkol sa katatapos lang na international pageant para sa mga transgender woman.

Nag-share kasi si Juliana ng photo ni Miss Puerto Rico na isa sa mga naging kandidata sa Miss International Queen 2023 kung saan naging representative ng Pilipinas si Lars Pacheco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)


Kalakip ng FB post ni Juliana ang litrato niya noong nanalo siya sa Miss Q&A na may caption na, “Babawi tayo next year Ate… pangako ‘yan,” with matching hashtag na #MIQ2024.

Wala namang nabanggit ang komedyante kung seryoso ba ang balak niyang pagsali sa susunod na edisyon ng Miss International Queen

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

In fairness, sandamakmak na netizens ang nag-react sa paandar na FB post ni Juliana, narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“D ka marunong sumayaw kaya ganern.”

“Ilampaso mo sila Juliana Parizcova Segovia ! Sabihin mong YES!”

“Kulang ka sa kape, dapat sayo pinapapak mo araw araw ang kape.”

“Beauty and brain go Juliana.”

“Eto ang inaantay ko talaga.”

“Sana makasali ka. I know! ikaw paba?”

“Wala po Halloween edition ang MIQ?”

Samantala, ang nanalong Miss International Queen 2023 ay si Miss Netherlands habang nakaabot naman si Lars Pacheco sa Top 6.

Donnalyn binigyan ng award matapos makapasa sa ‘March 2023 No Issue Challenge’: ‘Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap ipinagmalaki si Juliana Segovia dahil sa pagmamahal nito sa ina, kahit hindi kumita masiguro lang na ‘di maulanan ang nanay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending