Darryl Yap ipinagmalaki si Juliana Segovia dahil sa pagmamahal nito sa ina, kahit hindi kumita masiguro lang na 'di maulanan ang nanay niya | Bandera

Darryl Yap ipinagmalaki si Juliana Segovia dahil sa pagmamahal nito sa ina, kahit hindi kumita masiguro lang na ‘di maulanan ang nanay niya

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Darryl Yap ipinagmalaki si Juliana Segovia dahil sa pagmamahal nito sa ina, kahit hindi kumita masiguro lang na ‘di maulanan ang nanay niya

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 01:55 PM

Darryl Yap ipinagmalaki si Juliana Segovia dahil sa pagmamahal nito sa ina, kahit hindi kumita masiguro lang na 'di maulanan ang nanay niya

Juliana Parizcova Segovia

SUPER proud ang controversial director na si Darryl Yap sa kaibigan niyang komedyante at social media personality na si Juliana Parizcova Segovia.

Ipinagmalaki nang bonggang-bongga ni Direk Darryl sa madlang pipol ang mga achievements ni Juliana pati na ang kabutihan ng puso nito hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang kapwa.

Sabi ng batambatang filmmaker, kahit daw may sarili nang sasakyan, condo, at negosyo ay nakakahanap pa rin ng panahon si Juliana para tumulong sa kanyang nanay na nagtitinda ng pares sa Pasay City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)


Ipinost ng direktor sa kanyang Facebook account ang litrato ng komedyante habang nagbabantay at nagsisilbi sa pag-aaring paresan ng ina at kalakip nga nito ang kanyang pa-tribute kay Juliana.

“May sariling sasakyan, may sariling condo, may sariling munting negosyo…pero konting patak ng ulan, uuwi ng Pasay para palitan ang makulit na Nanay na ayaw sumilong dahil ayaw mawalan ng benta,” simulang mensahe ni Direk Darryl.

Dugtong pa niya, “Iba yung sanay sa hirap, hindi takot sa trabaho…ang tanging kinatatakutan ay maghirap ang mga mahal sa buhay.

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova hindi umasang mapapasama sa ‘Miss Q&A’, thankful pa rin kay Vice Ganda

“Pinakuhanan ko siya ng litrato sa driver nya, kasi pinili nyang wag magshoot ng content at kumita—masigurado lang nyang di maulanan ang nanay niya,” aniya pa.

Sabi pa ni Direk, “Natikman ko rin ang binenta nilang Pares,sobrang lambot—dapat lang! sa isang gaya nyang walang ngipin, DAPAT LANG! pero mas malambot pa rin ang puso mo laban sa lahat ng karneng pinagpupuyatan nyong ibenta.”

Sa huli, sinabi ng blockbuster director na mahal na mahal at ipinagmamalaki niya si Juliana.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa FB post ni Darryl Yap.

“Mabuhay ka.. willing akong mag schedule para tumulong magbenta. (walang joke Yan ha. ) Alam ko Ang pakiramdam nyan Kase Yan din Ang dati naming hanapbuhay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)


“A person most of us should emulate. continue lang po para sa kinabukasan. God bless Juliana Parizcova Segovia.”

“Isa kang huwaran madam Juliana Parizcova ! Dalaw kami dyan sa pwesto ng nanay mo soon!”

“Hayyyssst maka dayo nga jan mamshoe Juliana Parizcova? Basta malambot din ha? Alam mo namang nawalan din ako ipin. Pag makunat yan sumbong kita kay direk Darryl Yap.”

“Dear Darryl, I have always followed your posts but this is the one that touched me deep the most, Shows who you really stand for despite your taray and rants I know deep down you really are a caring person! BTW, love the taray moments to the deserving people too!”

“Malalaman mo talaga na may magandang kalooban ang Isang tao pag Nakita mo kung gaano nya kamahal ang magulang nya.”

“A perfect example of a true woman. Will do everything for her family. I couldn’t be prouder of you Ate Juliana.”

“One of your best posts, Direk! Salute and respect to Juliana!”

“Iba tlga kpg nkatapak pa dn ang mga paa sa lupa..always be humble..and always love ur parents..proud of u juliana..idol.”

Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending