Juliana Parizcova hindi umasang mapapasama sa 'Miss Q&A’, thankful pa rin kay Vice Ganda | Bandera

Juliana Parizcova hindi umasang mapapasama sa ‘Miss Q&A’, thankful pa rin kay Vice Ganda

Therese Arceo - July 30, 2022 - 07:24 PM

Juliana Parizcova hindi umasang mapapasama sa 'Miss Q&A’, thankful pa rin kay Vice Ganda\
NAGING usap-usapan ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia matapos itong hindi makita sa muling pagbabalik ng “Miss Q & A” sa “It’s Showtime”.

Marami sa madlang pipol ang nagtataka kung bakit tila absent ito sa naging production number naging sa teaser ng pagbabalik ng naturang segment ng Kapamilya noontime show.

Si Juliana kasi ang kauna-unahang itinanghal na Grand Winner ng naturang patimpalak noong 2018.

May ilang nagsasabi na baka raw may halong politika ang rason kung bakit hindi inimbita ang komedyante na mag-perform kasama pa ng ibang mga dating contestants.

Kaya naman nang mag-trending ito ay agad na kinuhaan ng panayam ni Ogie Diaz ang 2018 Miss Q and A Grand Winner.

Pag-amin ni Juliana, hindi na rin daw niya inaasahan na magiging parte siya ng opening number para sa season 3 ng “Miss Q & A”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)

“Parang in-expect ko na rin naman na. Kasi nung na-confirm ko… Noong una kasi puro chika chika lang na babalik ang Miss Q&A so nung nag-message sa akin si Lars, tinatanong kung kasama ako ng Monday sa opening prod, doon ko na-confirm na meron pala talagang Miss Q&A na bago,” lahad ni Juliana.

Sinabi nga niya kay Lars na hindi siya nasabihan ukol rito at maging ang kaibigan rin nilang si Matmat ay hindi rin na-invite.

“Pero ako kasi feeling ko hindi na rin ako umasa na magiging part ako ng season 3 kasi my ilang taga-Showtime na in-unfriend na rin ako, mga ibang staff, so feeling ko hindi na rin talaga mangyayari,” saad pa ni Juliana.

Pero thankful pa rin siya dahil nabanggit siya ng Unkabogable star na si Vice Ganda habang nagbabaliktanaw sila ng mga “It’s Showtime” hosts.

Aniya, nag-message siya privately kay Meme para mag-thank you sa pagkakaalala nito sa kanya.

“The good news is noong binanggit ako ni Meme Vice sa Showtime, nag-thank you ako sa kanya at nag-reply siya sa akin na deserve ko naman na ma-mention,” sey ni Juliana.

Feeling rin daw niya ay tapos na rin ang kanyang responsibilidad niya bilang reigning queen dahil nagkaroon na ng season 2 at may iba nang nanalo pagkatapos niya.

Ngunit wala rin naman ang nanalo sa season 2 na si Mitch Montecarlo Suansane at pawang mga representatives na sina Lars at Anne ang present sa production number.

Umaasa pa rin naman si Juliana baka may chance na makuha siya bilang guest o hurado sa season 3 ng “Miss Q&A”.

Related Chika:
Lamang ni Juliana Parizcova sa ibang gay comedian: Ako yung balanse yung mukha, pero walang ngipin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending