Juliana kay Diwata: Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit

Juliana Parizcova kay Diwata: Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit

Ervin Santiago - October 14, 2024 - 12:15 AM

Juliana Parizcova kay Diwata: Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit

Diwata at Juliana Parizcova Segovia

SANDAMAKMAK na reaksyon mula sa netizens ang nabasa namin sa tila pambabasag ni Juliana Parizcova Segovia sa social media personality na si Diwata.

Marami ang sumang-ayon sa naging obserbasyon ni Juliana sa umano’y biglang “pagbabago” sa pakikitungo ni Diwata sa mga kumakain sa pag-aari niyang paresan.

Ito’y matapos ngang magdesisyon si Diwata na tumakbo sa darating na 2025 elections. Naghain siya ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa pagkandidato niya bilang 4th nominee ng Vendor partylist.

Baka Bet Mo: JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’

Sa kanyang Facebok account, nag-post ang “Miss Q&A” season 1 grand winner na si Juliana Parizcova ng litrato ni Diwata kasama ang ilang customer na lumalafang sa kanyang paresan.

Base sa naturang photo, si Diwata mismo ang may hawak ng cellphone. Ang caption ni Juliana sa kanyang FB post, “Dating nagsusungit, ngaun kusang lumalapit.”

Ang paniwala ng mga netizens, patama ito ni Juliana kay Diwata dahil noong kasagsagan ng pagdagsa at pagpila ng mga customer sa kanyang paresan ay hindi nito pinagbibigyan ang ilang nais magpa-selfie sa kanya.


Sa katunayan, may mga pagkakataon pa raw na tinatarayan niya ang mga dumarayo sa kanyang paresan na gustong magpa-selfie sa kanya. Narito ang ilang comments na nabasa namin sa post ni Juliana.

“Kusang lumalapit kasi tatakbo whahahaha lilipas din yan diwata.”

“Dating nag susungit lalong pumapa…t hehehe. Sino kaya boboto kay watida hehehe.”

“Boto is needed kaya friendly galore.”

“Pag may kailangan talagang kukusa yan lalapit wag kami luto ka nalng ng pares mas kailangan ka ng mga suki mo.”

“May kailangan kc sa tao hahaha shufal ng fes hahaha.”

“Hindi naman po sa pang jajudge kay Diwata,Dapat nagtapos muna sya ng Political Science bago sya sumabak sa pagpasok sa Politiko!!! Kung yung simpleng bagay nga na magpapapicture lang sa kanya ang mga tao di pa nya mapagbigayan, what if pa yung mas mabigat na suliranin na ang ihingi ng tulong ng mga mamamayan sa kanya?Baka isagot nya din ei lilipas din yan…kawawa ang taong bayan kapag ibinoto at nanalo ang taong yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ni Diwata sa lahat ng mga nangnenega at kumokontra sa pagtakbo niya sa susunod na eleksyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending