Sakripisyo nina Juliana Parizcova Segovia, Ryza Cenon at Akihiro Blanco para sa kanilang pamilya
PARA sa paggunita ng Semana Santa ngayong 2023 tinanong ng BANDERA kung ano ang biggest sacrifice na ginawa ng kilalang celebrities para sa mga mahal nila sa buhay.
Juliana Parizcova Segovia
Ang makatapos sa kolehiyo ang isinakripisyo ng comedian-actor na si Juliana Parizcova Segovia.
Nilinaw naman niya na hindi ito pinagsisihan niya dahil ito ang naging daan niyang makatungtong sa showbiz industry.
“Actually, hindi naman pinagsisisihan ‘no, pero if only na natapos ko pa sana college ko, sana siguro mas maraming opportunities pa na pwede kong makuha,” sey niya.
Dagdag niya, “Pero at the same time kasi na-give up ko naman o na-sacrifice ko naman pag-aaral ko kapalit ng pagko-contest, pagmi-Miss Gay na meron naman kinapuntahan na maganda, which is Miss Q&A that lead me to showbiz.”
Baka Bet Mo: Juliana Parizcova Segovia pasadong ‘twin sister’ ni Rihanna, magkamukha nga ba?
Ryza Cenon
Para naman sa aktres na si Ryza Cenon ay ang kanyang panganganak na nag-iba ang kanyang katawan.
“Siguro ang pinaka biggest sacrifice ko sa life, ‘yung nagka-anak ako. Pero hindi siya bad thing,” sabi sa amin ni Ryza.
“I mean, worth it ‘yung sakripisyong ‘yun dahil siyempre sinakripisyo mo ‘yung katawan mo. ‘yung career mo. Pero maganda naman ang naidulot sa akin. Naging mas lalo akong mabuting tao,” ani ng aktres.
Gayunpaman ay masaya pa rin daw siya dahil isang napakalaking blessing ang nakuha niya.
Bukod sa kanyang anak ay pwede na rin siyang gumanap bilang ina sa mga pelikula.
Patuloy niya, “Nakakatuwa na naging maganda ‘yung blessing na ibinigay sa akin at naging maganda ‘yung kinalabasan ng sakripisyo na ‘yun.”
Baka Bet Mo: Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers
“Kasi ‘yung katawan, pwede naman maibalik ‘yan. Tsaka ngayon naman, okay na akong mag-nanay role, mother role,” dagdag niya.
Akihiro Blanco
Ang nawala para sa aktor na si Akihiro Blanco upang matulungan ang pamilya ay ang kanyang negosyo.
Kwento pa niya ay nangyari ito ngayong pandemya, ang panahon na nawalan ng trabaho ang marami at bumagsak ang ekonomiya.
Sey niya, “Itong nagkaroon tayo ng pandemya, Siguro ‘yun kasi ‘yung time na nawalan tayo ng work lahat.”
“Kunwari, walang shooting, walang taping, hirap lahat tayo. Nag-sacrifice po ako ng business sa sarili ko po para makatulong ako sa family ko, sa mom ko, sa ibang tao,” chika niya.
“‘Yun siguro ang masasabi ko na biggest sacrifice sa buong buhay ko,” aniya.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.