Lars Pacheco sa gulo ng mga trans sa Thailand: Be respectful
NAGBIGAY komento ang dating Miss Q&A contestant at Miss International Queen Top 6 na si Lars Pacheco ukol sa nangyaring gulo sa pagitan ng mga Pinay trans at Thai trans sa Thailand.
Sa isa sa kanyang mga inilabas na TikTok videos ay ibinahagi niya ang saloobin ukol sa nangyaring sakitan sa nasabing bansa.
Bagamat wala pang kasiguraduhan at ayon lang ito sa kantang mga kaibigan ni Lars sa Thailand, maaaring nagsimula raw ang gulo dahil sa pagbibigay serbisyo o prostitusyon.
Inatake kasi umano ng 20 trans Pinay ang 5 Thai trans na siyang nagpasiklab ng galit sa iba pang Thai trans matapos nilang mabalitaan ang insidente.
At ang kwento nga ng kaibigan ni Lars ay nagtipon ang iba pang trans Thai sa harap ng hotel ng frans Pinay para gumanti.
“My main point here is whatever may be the reason for the fiasco, I love Filipinos but we are not in our country. So the only option that we have is to be respectful.
Baka Bet Mo: Lars Pacheco bumuwelta sa paratang na binili ang MIQP 2023 crown: Pinaghirapan ko ‘tong korona ko!
“Imagine 20 Filipinos versus 5 Thai, that is unfair ehen it comes to fight… And also, wala tayo sa bansa natin, ang tanging kailangan lang nating gawin dyan is maging respectful tayo. Makisama tayo kasi tayo lang ‘yung nakikipwesto dyan,”saad ni Lars.
Aniya, maaaring malala talaga ang ginawa ng mga trans Pinay para magkaisa ang Thai transgenders upang paalisin sa kanilang bansa ang mga nang-away na Pinoy.
“It’s a basic etiquette that if you are not in your country, you should act [accordingly]. Minsan medyo naaagrabyaso siguro tayo pero huwag tayong matapang na parang tayo ang may ari ng bansa,” sey ni Lars.
Dagdag pa niya, hindi niya sinusuportahan ang kahit na anong klase ng karahasan.
Iginiit rin ni Lars, maaaring makaapekto ito sa mga Pinoy na nagnanais pumunta ng Thailand para magbakasyon pati na rin ang mga Pinoy na kasalukuyang nasa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.