Lars Pacheco bumuwelta sa paratang na binili ang MIQP 2023 crown: Pinaghirapan ko 'tong korona ko! | Bandera

Lars Pacheco bumuwelta sa paratang na binili ang MIQP 2023 crown: Pinaghirapan ko ‘tong korona ko!

Therese Arceo - March 22, 2023 - 08:32 PM

Lars Pacheco bumuwelta sa paratang na binili ang MIQP 2023 crown: Pinaghirapan ko 'tong korona ko!
NAGSALITA na si Lars Pacheco ukol sa mga isyung ibinabato sa kanya magmula nang masungkit niya ang korona sa nagdaang Miss International Queen Philippines 2023.

Sa vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez, napag-usapan nila ng beauty queen ang naging journey nito sa bilang isang kontesera.

Kwento ni Lars, 14 years old lang siya nang magsimula siyang sumali sa mga beauty contests.

“To be honest ‘yung una ko pong pagsali ko being me as a kontesera is my bread and butter,” pagbabahagi niya.

Noong mga unang pagkakataon ng pagsali ni Lars sa mga pageant ay nagka-boyfriend siya ngunit tutol ang pamilya niya rito kaya dito raw siya nagsabi na huwag na lang siyang sustentuhan para ipaglaban ang kanyang dyowa at para mapatunayan na pagtatrabahuhan niya ang sarili.

Chika pa niya, isa ang pakikisama sa kanyang mga natutunan sa tagal na niya sa pagsali sa iba’t ibang beauty pageants.

Maliit lang rin daw kasi ang mundo nilang mga kontesera at sila-sila rin ang mga naglalaban-laban.

Baka Bet Mo: Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman

“Yung pakikisama ‘yung talagang mabibigay mo lang at maisusukli mo lang rin sa kanil kasi kayo kayo lang rin ang magkikita every night,” sey niya.

Naging emosyonal naman si Lars nang magbigay ng pahayag ang patungkol sa alegasyong ipinupukol sa kanya gaya na lamang ng diumano’y pagbili nito ng kanyang korona.

“Sa isyu na lumalabas, I just wanted to ask forgiveness sa kung anuman ang naging kasalanan ko, which I didn’t know. Kung ano man ang naging maling ginawa ko sa inyo, humihingi ako ng tawad and I meant it. From the bottom of my heart, patawad po.”

“Kung meron man akong nagawang masama, kung meron man akong maling nasabi, kung mayroon man akong naapakan na tao, pero isa lang po ang masasabi ko, pinaghirapan ko po itong korona ko,” lahad ni Lars.

Proud naman si Aiko sa naging achievement ng Miss International Queen Philippines 2023 at naniniwala itong sa kabila ng mga nangyayari ay may mabuti itong kalooban.

“Congratulations. Nobody can steal your crown because you worked hard for it. And at the wnd of the day, Lars, God sees your heart. And I guess doon sa mga taong hindo gaanong masaya sa ‘yo, mas lawakan mo lang ang pag-iisip mo kasi mas ikaw ang ang nakaiintindi,” sey ni Aiko.

Pagpapatuloy pa niya, “I wish you all the best. Isa ka sa mga isasama ko sa dasal ko na sana ma-take home mo ‘yung crown na ‘yun at namnamin mo lahat ng kasiyahan na nararamdaman mo ngayon kasi pinagtrabahuhan mo ‘yang korona na ‘yan.”

Matatandang naging usap-usapan si Lars at Anne Patricia Lorenzo matapos kumalat sa social media ang video ng kanilang sagutan sa isang Zoom meeting kasama ang iba pang kandidata sa Miss Internatioal Queen Philippines 2023.

Related Chika:
Lars Pacheco wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Q&A 2nd runner-up Lars Pacheco halos P1-M ang ginastos para maging ganap na babae: Sobrang worth it, grabe!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending