Lars Pacheco wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023 | Bandera

Lars Pacheco wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023

Therese Arceo - March 11, 2023 - 11:56 PM

Lars Pacheco wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023

WINNER ang dating Miss Q&A finalist na si Lars Pacheco sa naganap na Miss International Queen Philippines 2023.

Naganap ang coronation night sa Aliw Theater, Pasig City ngayong gabi, March 11 kung saan tinalo niya ang iba pang 24 na mga kandidata.

Si Lars nga ang nakasungkit ng korona at nakatakdang maging kinatawan ng Miss International Queen 2023.

Wagi naman bilang first runner-up si Michelle Bermudez, si Barbie Alawi naman ang nanalo bilang 2nd runner-up, Anne Patricia Lorenzo naman bilang 3rd runner-up, at si Tamira Willis ang 4th runner-up.

Paniguradong proud na proud ang “It’s Showtime” family dahil isa si Lars sa mga produkto ng kanilang pangmalakasang beauty contest, ang Miss Q&A kung saan nakamit niya ang 2nd runner-up.

Ang Miss International Queen ay ang itinuturing na world’s top beauty pageant para sa mga transgender women.

Baka Bet Mo: Miss Q&A 2nd runner-up Lars Pacheco halos P1-M ang ginastos para maging ganap na babae: Sobrang worth it, grabe!

Paniguradong matinding paghahanda ang gagawin ni Lars lalo na at plano nitong makamit ang back-to-back victory lalo na’t Pilipinas rin ang nakasungkit ng korona last year na si Fuschia Anne Ravena.

Buhat nang magsimula ang naturang beauty pageant ay tatlo na ang naiuuwing korona ng mga representative ng Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lars Pacheco (@pachecolars)

Una na rito ay si Kevin Balit noong 2012, si Trixie Maristela noong 2015, at nitong nakaraang taon nga ay si Fuschia Anne Ravena.

Related Chika:
Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman

Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending