Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman Bandera

Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman

Therese Arceo |August 02,2022
share this

Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman

Therese Arceo August 02, 2022 - 09:20 PM

Lars Pacheco sumailalim sa reassignment surgery: I am a woman
MASAYANG ibinahagi ng dating Miss International Queen Philippines finalist na si Lars Pacheco ang bagong update sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram account at ibinandera ng social media personality na sumailalim siya sa sexual reassignment surgery.

“We all hope for a breakthrough rebirth moment,” saad ni Lars.

Dagdag pa niya, “I am a woman.”

Sexual reassignment surgery-penile peritoneal vaginoplasty ang tawag sa surgery na ginawa kay Lars.

Ito rin ang “most advanced SRS technique” para sa gender confirmation.

Labis labis naman ang suportang natatanggap ng kontesera at social media personality mula sa mga tagasuporta, pamilya, at mga kaibigan nito.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nagbigay suporta kay Lars ay sina Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold at Miss Grand International Philippines 2016 Nicole Cordoves.

“Congratulations sis Welcome to the Club,” saad ni Anne Patricia Lorenzo, 1st Runner Up mg Miss International Queen Philippines 2022.

Comment naman ng isang netizen, “Congratulations ate lars. deserve mo lahat ng blessings nayan.”

Bukod sa pagsali sa Miss International Queen Philippines ay sumali rin siya sa gay beauty pageant na “Miss Q & A” ng Kapmilya noontime program na “It’s Showtime” kung saan nanalo siya bilang 2nd runner up.

Kasabayan ni Lars sa naturang patimpalak ang isa sa mga naging kontrobersyal na komedyante at Miss Q & A Season 1 Grand Winner.

Sa katunayan, isa siya sa mga present sa naging opening number ni Vice Ganda noong July 25 nang magbalik sa ikatlong season ang Miss Q & A sa programa.

Related Chika:
Michelle Dee, Katrina Llegado, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Annabelle McDonnell pasok sa Top 5 ng Miss Universe PH 2022

Bea ingat na ingat ngayon sa relasyon nila ni Dominic: Nakakahiyang paulit-ulit magkamali

Ria Atayde sumailalim sa spine surgery; nagpasalamat kay Angel Locsin

Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending