Lars Pacheco naadik sa sugal, natalo ng P5-M sa online gambling
UMABOT sa P5 million ang nawala sa transgender beauty queen at social media personality na si Lars Pacheco matapos maadik sa pagsusugal.
Mismong si Lars ang nagkuwento sa publiko sa pamamagitan ng isang Facebook video kung paano siya unti-unting nalulong at naadik sa online gambling.
Mapapanood sa kanyang Facebook account ang ipinost niyang video na may titulong “How I lost 5 million in Online Gambling” kung saan binalikan nga niya kung paano siya nagsimulang magsugal hanggang sa tuluyan na siyang maadik.
Nagsimula raw ito noong 2021, “Well I’m super duper afraid to create this video, but baka maging help.
Baka Bet Mo: Lars Pacheco, Patricia Anne Lorenzo nagkasumbatan; Miss International Queen PH crown binili nga ba?
“So, it started in 2021 sa online sabong in a money app. So, I don’t have an idea kung paano siya laruin. So, nakikinood ako du’n sa mga kasama ko sa bahay, hanggang sa sinubukan ko na siya,” simulang pagbabahagi ng transwoman.
Patuloy ni Lars, “Dahil nga wala akong alam, namimili lang ako ng color blue or color red. So, meron o wala. So, kung ano ‘yung feeling ko lucky color ‘yun lang kasi wala talaga ako alam sa mga manok.”
Hanggang sa dumating yung araw na namaster na niya ang paglalaro sa online sabong. Sa mga unang buwan daw ay umabot na sa P600,000 ang natatalo sa kanya.
“So, habang tumatagal, feeling ko nagiging expert na ako. So kung ang dati, ang tinitingnan ko lang yung color blue or red, ngayon, tinitingnan ko na kung sino ‘yung mabilis ‘yung paa.
“Sino yung mahaba ‘yung paa? Sino yung maliksi kapag pinapagtuka sila. So, to cut the long story short naging adik ako sa sabong.
“So, ilang buwan ko na siya ginagawa and then, halos umabot ng P600K ‘yung talo ko. After nu’n, nagkaroon ng isyu ‘yung mga sabungero. So, tinanggal du’n sa money app ‘yung online sabong,” pagbabalik-tanaw ni Lars.
Kasunod nito, nag-try naman sa iba pang online gambling app si Lars kung saan mas tumindi pa ang pagkaadik niya lalo na nang masubukan niya ang isang baccarat gaming app.
“Naging baccarat queen naman ako. And sabi ko, mas madali dito kasi dalawa lang ‘yung pagpi-pilian, banker at player. Dito, mas naging seryoso ‘yung lahat, kasi ‘yung gaming app naka-konekta na siya sa bank account ko.
“So, every time na QR code lang ‘yung ii-scan mo maka-cash in na siya du’n sa gaming app.
“So, kung titingnan ‘yung transaction history nu’ng gaming app ko, para siyang nireregla. Kasi kulay red, ang kulay ng deposit. Puro ako deposit, deposit, deposit, wala ako nawi-withdraw.
“Tapos, dumating pa sa point na ‘yung bank account ko nali-limit na siya. So, tatawag ako dito sa friend ko, ‘Jonas, ‘Lexa pa-transfer n’yo nga ako, kasi, limit na ako.’
“Since ako nga ‘to, hindi nila ako nahihindian, siguro nahihiya sila. So, ako naman tina-transfer nila and then, pag ‘di na ako limit ita-transfer back ko sa kanila, tapos dadagdagan ko na lang. Hanggang sa ganu’n ‘yung routine namin, magpapa-transfer ako, tapos magdadagdag na lang ako,” rebelasyon pa ng transeoman beauty queen.
At sa puntong ito, natuto na siyang magsisinungaling sa mga kaibigan, “Ito na ‘yung part na nag-open ng eyes ko, to stop na talaga. Dito ko na-realize na I met evil in the form of gambling.
“Kasi, natuto na akong magsinungaling like sasabihan ko sa mga friend ko limit na ako, pero ‘yung totoo wala na talaga ako pang-cash in. Naging makapal ‘yung mukha ko,” aniya pa.
View this post on Instagram
Payo niya sa lahat ng mga naaadik na rin ngayon sa sugal, tumigil na habang maaga pa dahil sa ending, matatalo at matatalo rin daw kayo.
“Imagine 2021 I started wala pang mga social media influencer na nagpo-promote ng sugal, pero naimpluwensyahan ako with just ‘sendan mo ako ng 500 pamapahiyang lang.’
“How much more ngayon na budgeted na and advertised na ‘tong mga sugal na ‘to. Ginawa ko ‘tong video na ‘to for a realization na tumigil ka na.
“Alam ko mahihirapan ka, alam ko nanghihinayang ka sa lahat ng mga napatalo mo. Tanggapin mo na hindi na kayang bawiin lahat ng yun,” sabi pa ni Lars Pacheco.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Lars, una siyang nakilala sa “Miss Q&A” pageant ng “It’s Showtime” noong 2018, kung saan nanalo siya bilang second runner-up.
Last year naman ay umabot siya sa Top 6 ng Miss International Queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.