Lahat ng klase ng ‘pagsusugal’ naka-ban na sa Pasig
INAPRUBAHAN na ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang local ordinance na ipinagbabawal ang lahat ng klase ng pagsusugal, online man ‘yan o offshore gaming operations.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 55 na itinakda ni Councilor Simon Tantoco, ipinagbabawal na ang pag-iisyu ng mga permits sa mga kumpanya na nagsasagawa ng e-games, e-sabong, e-bingo, online poker at casinos, computer gaming stations, at Philippine offshore gaming operators (Pogos).
Kasama rin sa mga na-ban ang service providers na nagbibigay ng technical support sa online gambling, kabilang na riyan ang mga gaming agent at iba pang negosyo na may kaugnayan sa Pogo.
Samantala, ang mga legal na gaming companies ay pinapayagan pa ring mag-renew ng kanilang license, pero dapat nila itigil ang operasyon sa katapusan ng taong 2023.
Ang mga lalabag sa bagong ordinansa ay pagmumultahin ng P5,000 o makukulong ng isang taon, o pareho.
Bago pa ipatupad ang kautusan, nauna nang sinabi ni Mayor Sotto na tumigil na sa operasyon sa kanilang siyudad ang mga Pogo companies.
“Even before this ordinance, the two remaining Pogos operating in Pasig have closed shop. In truth, they didn’t have a permit, they just started operating,” sey ng alkalde.
Ayon kay Mayor Vico, layunin ng kanilang siyudad na maiwasan na ang masamang epekto ng online gambling sa kanilang mga residente.
Naikwento pa nga niya na nagkaroon ng insidente na kung saan ay may isang ina na isinangla ang kanyang 8-month-old na anak upang mabayaran ang utang mula sa e-sabong.
Sabi pa ng mayor, “For the longest time, these e-games and e-bingo have been a symbol of corruption in our city.”
“There may be some councilors before or even now who use my name, saying they will give you a permit if you give them something. We heard that they have a budget every year for our officials. We do not want that,” aniya.
Read more:
Luis ibinuking si Edu: pumasok sa klase ni Joey Reyes nang nakatuwalya lang
DOTr Sec. Tugade umalma sa malisyosong artikulo tungkol sa ‘offshore investment’
Kilalang aktor maraming kalokohan noong kabataan, pero di nagdroga; totoong malapit sa mga bading
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.