DOTr Sec. Tugade umalma sa malisyosong artikulo tungkol sa 'offshore investment' | Bandera

DOTr Sec. Tugade umalma sa malisyosong artikulo tungkol sa ‘offshore investment’

- October 06, 2021 - 08:50 AM

MALISYOSO at mapanirang-puri.

Ito ang ipinagdiinan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa inilabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na may kinalaman sa kanyang “offshore investment.”

Paliwanag ng opisyal bahagi ng ipon ng pamilya ang kanyang financial investment sa Solart Holdings simula pa noong 2003 at wala pa siya sa gobyerno.

“We decided to have a portion of our savings invested outside the Philippines, which is valid and legal,” pahayag ng kalihim.

Sa report na inilabas ng PCIJ, isinapubliko ni Tugade ang kanyang P57 million offshore investments, ngunit sinabi na wala na itong ibinagay pa na ibang detalye.

Mariing sabi naman ni Tugade, kasama ang “offshore investements” sa idinedeklara niya sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na dapat ginagawa ng lahat ng opisyal ng gobyerno.

“It has consistently been disclosed in my sworn SALN under ‘Personal Properties – Intangible’, particularly, as ‘Offshore Investments’ from 2012 to 2020. In the said period, the account barely moved,” paliwanag pa nito.

Aniya pa, wala siyang itinatago at handa niyang sagutin ang lahat ng mga alegasyon sa tamang pagkakataon.

“Wala po akong itinatago. As an appointed public servant, I have taken an oath to uphold transparency, honesty, integrity and good governance. These are cherished values that I personally believe in, and I have made it a lifelong commitment to sustain and carry around myself,” sabi pa ng opisyal.

Nilinaw din niya na hindi niya alam na may sulat sa kanya ang PCIJ para sa isang interview para makuha ang kanyang panig ukol sa isyu.

Samantala, sinabi naman ni Transportation Asec. Goddes Hope Libiran na ang layon lang naman ng ulat ng PCIJ ay para siraan ang pagkatao ni Tugade.

Ibinahagi niya na naghahanda na ang kanilang mga abogado para sa gagawin nilang mga legal na hakbang para papanagutin ang mga nasa likod ng paninira sa kalihim.

“We pray that whoever or whatever entity is behind this black propaganda, is not doing this because Secretary Tugade is now perceived as legitimate threat, and a stumbling block to their political aspirations. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The article is false, misleading, and downright defamatory,” sabi pa ni Libiran.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending