Duterte inatasan ang Pagcor na wakasan na ang online gambling; wala raw pakinabang
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na matigil ang online gambling sa bansa.
Sa unang pulong ng Gabinete niya matapos pormal na makapanumpa, inatasan ni Duterte si bagong Philippine Amusement and Gaming Corp. Chief Andrea Domingo na mawakasan ang lahat ng uri ng online gambling sa buong bansa.
Ayon kay Duterte, wala namang pakinabang ang gobyerno sa pamamayagpag ng online gambling sa bansa dahil nakaliligtas ang mga ito sa pagbabayad ng buwis.
Samantala, muling sinabi ni Duterte ang pagtatayo ng 10 hotline na tatanggap ng mga tawag hinggil sa mga reklamo ng mga tao.
Aniya, maaaring tumawag ang publiko sa 8888 para sa anumang reklamo laban sa mga empleyado o opisyal ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.