Baron Geisler sa usaping kamatayan: ‘I think I’m ready, I’m not afraid to die…it’s God’s will naman, eh!’
“I THINK I’m ready,” ang diretsahang sagot ng premyadong aktor na si Baron Geisler nang matanong tungkol sa usapin ng kamatayan.
Game na game na sinagot ng aktor ang mga personal and intriguing questions sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday sa GMA 7.
Dito nabanggit ni Baron na talagang abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang misis na si Jamie Evangelista na hindi siya iniwan at hindi bumitiw noong bumalik siya sa kanyang bisyo.
View this post on Instagram
Aniya, si Jamie ang nagturo sa kanya ng “tough love” at disiplina para labanan at tuluyan nang kalimutan at layuaan ang kanyang mga bisyo.
“Kung merong isang leksiyon na naibahagi ang iyong misis na si Jamie sa iyo, ano ‘yun?” ang tanong ni Tito Boy kay Baron.
“Tough love. Kasi hindi niya ako tinatratong artista. Kapag nararamdaman niya na, ‘Teka muna, umiiba ang attitude ni Baron, parang papunta na ito sa pag-iinom,’ gigisingin niya ako.
“Disiplina talaga. Ang laking disiplina ang nakuha ko, natutunan ko sa asawa ko,” pahayag ng magaling na aktor.
Baka Bet Mo: Bianca King manganganak na, mensahe sa baby: Come when you’re ready, we are now ready for you
Aniya pa, masayang-masaya siya kung anuman ang meron siya ngayon, at patuloy siyang nagpapakahirap at nagsasakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
“I’m contented, yes. From the grace of God because I have a beautiful wife, beautiful kids, I have real friends. My career is blooming again.
“I don’t deserve all these things, but for some reason bliness ako ulit ng ating Creator,” pahayag pa ni Baron.
View this post on Instagram
Paglalarawan pa niya sa sarili, “I’m a guy who had everything, that lost everything and now is getting better a day at a time trying and doing his best to level up each day. I’m a loving guy.”
At sa tanong kung handa na ba siya sakaling mamaalam na siya ngayon sa mundo, “I was just thinking about that yesterday.
“It’s God’s will naman lahat eh. But if I do die tonight while I sleep, I think I’m ready. I think I’m ready, I’m not afraid to die,” aniya pa.
Ang message naman ng aktor para sa kaniyang sarili, ‘I’m proud of you kid. You did well. Maintain and keep it up.”
Dingdong gustung-gustong makatulong sa mas maraming Pinoy, tuloy na nga ba ang pagsabak sa politika?
Cassy Legaspi feeling empowered bilang babae: Never be afraid to speak up!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.