Hirit ni Joey de Leon: ‘Dapat nga magpasalamat sa amin yung ibang TV shows kasi nabuhay sila’
NILINAW ng dating senador na si Tito Sotto na hindi na-bump off o tsinugi o pinalayas ang “It’s Showtime” sa TV5 para lamang makapasok ang bago nilang noontime show.
Matatapos na sa June 30 ang contract ng ABS-CBN para sa pagpapalabas ng noontime show nina Vice Ganda, Anne Curtis at Jhong Hilario sa Kapatid Network kaya hindi tamang sabihin na na-bumb off ang naturang programa.
Simula sa July 1, mapapanood na ang bagong noontime show nina Tito Sen, Vic Sotto, Joey de Leon kasama ang iba pang legit Dabarkads sa Kapatid Network.
Paglilinaw ni Tito Sen, “With due respect to TV5, I don’t think the phrase ‘bumped off’ should be used.
View this post on Instagram
“Di naman sila na-bump off, e. Natapos na yung kontrata nila. So, in fairness to TV5, walang naba-bump off. Matatapos yung kontrata, yun ang pagkakaalam namin,” pahayag ng veteran TV host-comedian at dating public servant sa presscon ng TVJ sa TV5 last Monday, June 20.
Sinang-ayunan naman ni Joey si Tito Sen, “Una, hindi na-bump off. Mangyayari at mangyayari yan.”
Kasunod nito, nagkomento rin ang Henyo Master sa official statement ng “It’s Showtime” tungkol sa paglipat ng programa sa GTV na pag-aari ng GMA 7.
Baka Bet Mo: ‘Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ’ – Ruru Madrid
“Actually, may mga press release na nga sila, sila rin daw gumagawa ng record… dahil nakaapat na istasyon kami,” pasakalye ni Joey na ang tinutukoy ay ang pag-ere nila sa RPN-9, ABS-CBN, GMA at TV5.
Hirit ni Joey, “Ganu’n din sila, kaya lang shorter time sila. Ang panlaban nila, 15 years ata lang or 12. Kami raw, 44.
“In other words, sabi nu’ng anak ko nga, si Jako, ‘Niyanig niyo ang telebisyon. Matagal niyo nang ginagawang magpayanig, ginugulo niyo. Kayo ang pinakamalakas na earthquake, lahat ng sumunod aftershock na lang iyan.’
“Ibig sabihin, nabuhay (ang TV industry). Kami, oo, alive tayong lahat, pero mas alive kami sa 5. Alive ang TV ngayon. Biro niyo, nabuhay lahat, e. Lahat nagulantang, lahat nayanig. Masaya, kaya masaya. Good.
“Dapat nga magpasalamat sa amin yung ibang TV shows, di ba, nabuhay sila, e. Ang daming nabuhay, nagkahanapbuhay, alam mo na,” aniya pa.
View this post on Instagram
Samantala, nilinaw naman ng mga bossing ng TV5 ang tungkol sa partnership ng Kapatid Network at ng TVJ Productions, na pag-aari ng TVJ.
Paliwanag ni Jane Jimenez-Basas, president and chief executive officer ng MediaQuest Holdings, Inc. at Cignal TV, mas invested sila ngayon sa upcoming noontime show ng iconic trio sa TV5.
“I guess the difference is that the relationship with It’s Showtime, and that contract is set to expire by the end of June, is a blocktime relationship. This time around, we are co-owners, co-investors in TVJ Productions,” aniya.
“Kasi produkto na namin, di ba? So, it just really makes sense from a business standpoint to put it in the timeslot that is best for it,” paliwanag pa ni Basas.
True ba, Jake Zyrus inakalang namatay pero muling nabuhay?
Tito Sotto nangakong itutuloy ang ‘Eat Bulaga’ online: Target po namin umabot ng 50 years!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.