Carlo Aquino natakot na baka 'di siputin ni Charlie Dizon sa kasal

Carlo Aquino natakot na baka ‘di siputin ni Charlie Dizon sa kasal

Therese Arceo - December 30, 2024 - 08:26 PM

Carlos Aquino natakot na baka hindi siputin ni Charlie Dizon sa kasal

AMINADO ang aktor na si Carlo Aquino na nakaramdam siya ng takot na baka hindi siya siputin sa kasal ng aktres na si Charlie Dizon.

Sa kanyang panayam kay Diamond Star Maricel Soriano na ipinalabas sa YouTube channel ng huli nitong Sabado, December 28, naikuwento ng aktor na sumagi sa kanyang isip na ipagpaliban muna ang kasal nila ng aktres na ngayo’y asawa na niya.

“Before the wedding nanalo si Charlie ng Best Actress sa Urian. Tapos the next day ikinasal kami. Mine-message ko nga siya that night, e, kasi nando’n siya sa awards night,” kuwento ni Carlo.

Aniya, iniisip niya noong mga oras na ‘yun na baka hindi pumunta sa venue ang aktres dahil abala ito sa Urian.

Baka Bet Mo: Charlie Dizon love na love ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza

 

View this post on Instagram

 

A post shared by April Matienzo- Aquino (@charliedizon_)

“Sabi ko, tutuloy ka ba dito sa kasal? Siyempre natatakot [ako]. Ako, nando’n na ako sa venue. Baka ‘di ako siputin ng misis ko. Sinipot naman ako,” dagdag pa ni Carlo.

Matatandaang marami ang nagulat matapos ang pagkalat sa social media ng kasal nila ni Charlie na ginanap sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Bago ito ay namataan pa ang aktres sa Gawad Urian kung saan nakatanggap ito ng parangal bilang Best Actress para sa naging pagganap nito sa pelikula nilang “Third World Romance.”

Sa ngayon ay going strong ang pagsasama nina Carlo at Charlie.

Sa katunayan, kasama pa nilang mag-celebrate ng Pasko ang anak ng aktor kay Trina Candaza na si Mithi base sa mga ipinost na update ni Charlie sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending